Mayor ng Western Samar inasunto sa hindi pagpapasuweldo
Leifbilly Begas - Bandera April 11, 2016 - 02:29 PM
Kasong kriminal ang isinampa ng Office of the Ombudsman laban sa mayor ng Western Samar matapos umanong hindi nito pasuwelduhin ang limang empleyado ng munisipyo na ipinatapon niya sa malayong barangay ng bayan noong 2009.
Limang kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019) ang isasampa laban kay Hinabangan Mayor Alejandro Abarratigue.
Ayon sa Ombudsman sinadya ni Abarratigue na hindi maibigay ang sahod ng mga apektadong empleyado sa kabila ng pag-uutos ng korte na bayaran ito.
Sinabi ng Commission on Audit na may iregularidad din ang paglilipat sa mga apektadong empleyado sa isang sub-office na hindi naman bahagi ng municipal organizational structure.
Umaabot umano sa P102,331 hanggang P117,178 ang halaga ng sahod na hindi ibinayad sa bawat empleyado.
Sa kanyang depensa, sinabi ni Abarratigue na hindi nabayaran ang sahod dahil hindi nagsusumite ng Daily Time Record ang mga ito.
Pero sa imbestigasyon, lumabas na nagsusumite ng DTR ang mga ito sa Human Resource Office pero hindi ito pinipirmahan ng akusado.
“[R]espondent’s act of deliberately withholding the payment of complainants’ salaries and benefits and their subsequent dismissal from service which issuance of the Memorandum Orders came only months after they took effect, imputes a dishonest purpose or some moral obliquity and conscious doing of a wrong,” saad ng resolusyon ng Ombudsman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending