Kahit mataba makapag-aasawa kaya? | Bandera

Kahit mataba makapag-aasawa kaya?

Joseph Greenfield - April 11, 2016 - 02:19 PM

Sulat mula kay Eva Marie ng San Francisco, Panabo, Davao
Dear Sir Greenfield,

Elementary pa lang ako ay mataba na ako hanggang sa ako ay mag-high school at mag-college ay lalo pa akong tumaba. Ito marahil ang dahilan kung kaya hanggang nga-yon ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. Nagawa ko nang lahat ang paraan ng pagpapayat hanggang sa magkasakit pa nga ako pero hindi rin ako nagtagumpay. Sa ngayon at ease at kampante na ako sa aking figure kahit pa sabihing mataba pa rin ako. Masaya na ako dito, kasi nga parang imposible na akong pumayat. Itatanong ko lang sana sa inyo kung kahit kaya mataba ako may pag-asa pa kaya akong magka-boyfriend at makapag-asawa? Ito kasi ang gusto kong mangyari sa buhay ko ngayon, ang magkaroon ng isang simple at masayang pa-milya. Matutupad kaya ito? October 8, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Eva Marie ng Davao
Solusyon/Analysis:
Pamistry:

May kaisa-isa namang maganda at maayos na Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Malinaw na tanda na kahit na may pagka-chubby ka at mataba, walang kaugnayan ang pisikal mong kaanyuan sa nakatakdang kapalaran, sa tamang panahon makapag-aasawa ka at magkakaroon ng isang simple pero masayang pamilya.
Cartomancy:

Six of Hearts, Five of Hearts at Three of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2016 sa buwan ng Mayo kahit hindi ka magpapayat, tiyak ang magaganap, magkaka-boyfriend ka ng isang lalaking kasing edad mo rin.

Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending