Ronda Pilipinas victory climb tatangkain ni Morales | Bandera

Ronda Pilipinas victory climb tatangkain ni Morales

Angelito Oredo - April 08, 2016 - 01:00 AM

DAGUPAN City — Hindi pa tapos ang karera pero sisiguraduhin na ngayon ni Jan Paul Morales ng Philippine Navy-Standard Insurance na siya ang tatanghaling hari ng 2016 Ronda Pilipinas sa darating na weekend.

Nakopo ni Morales ang unang tatlong karera ng Luzon leg at huwag lang maaksidente, madiskaril o sumemplang sa ikaapat na leg ngayon ay malamang na si Morales ang magwawagi sa pagtatapos ng ikalima at huling leg sa Baguio City bukas.

Ang karera ngayon ay may layong 94 kilometro mula Dagupan City paakyat ng Baguio kung saan pilit lalampasan ni Morales ang pinakahuling pagsubok sa pagtahak sa matarik na akyatin.

Kinatatakutan bilang mahusay na sprinter at individual time trial specialist, inaasahang hahamunin ng mga karibal nito ngayong umaga ang kakayahan ng 30-anyos na si Morales na mula Calumpang, Marikina.

Gayunman, inaasahang poprotektahan at aalalayan ng mga kakamping Navymen si Morales.

“Kumpiyansa ako na makukuha ang Stage 4 dahil nasa pinakamaganda akong kundisyon ngayon,” ani Morales, na nagkampeon din sa  Mindanao leg.

Simula sa Dagupan City Hall ay tatahakin muna ng kabuuang 45 siklista ang 10 kilometrong neutral distance bago paglabanan ang huling 84 kilometro na tampok ang mga pinag-aagawang puntos sa sprint at ang pinakaaasam na simbolikong polka dot jersey bilang King of the Mountain na makakamit sa paglampas sa mismong Lion’s head.

Una nang nagwagi si Morales sa Stage One criterium na isinagawa sa Paseo de Sta. Rosa sa Laguna Linggo bago dinomina ang Talisay-Tagaytay Stage Two na Individual Time Trial Lunes at ang Stage Three criterium sa Antipolo.

Pinangangambahan naman ng Navy ang ilang baguhang mukha na nakakakaagaw ng silya sa Top 10 partikular na sina LBC-MVPSF riders Arnold Marco at Ronnilan Quita, ang Team ASG team captain na si Richard Nebres, at ang dating kinatatakutang si Ronnel Hualda ng Team Light Science-AV.

Matapos dominahin ang Mindanao at Visayas Leg kung saan pasok lahat ang walo nitong miyembro sa Top 10, unti-unting nakakaramdam ng hamon ang Navy matapos na lima na lamang ang nakaokupa ng silya habang lima din ang hawak ng karibal nitong Team LBC/MVPSF.

Nananalangin na lang si Morales na walang mangyaring masamang insidente na makakapigil sa kanya para maiuwi ang kanyang ikalawang kampeonato.

“Kailangan ko na lang na tapusin na ligtas ang karera,” sabi nito.

Nakaabang sa likod ni Morales ang magkakampi na sina George Luis Oconer at Rustom Lim na umaasa naman sa posibilidad na hindi makatapos sa Top 10 ng Stage Four para mahablot ang huling tsansa na makatipon ng dagdag na puntos upang pumantay sa overall standings.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mathematically possible pa,” sabi lamang ni Oconer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending