Makakaahon pa ba sa kahirapan? (2) | Bandera

Makakaahon pa ba sa kahirapan? (2)

Joseph Greenfield - April 06, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Elena San Francisco, Panabo, Davao del Norte
Problema:
1. Maliit na bata pa lang ako nang iwanan kami ng nanay at tatay ko sa aking lola. Kaya lahat ng klase ng paghihirap ay naranasan ko na. Panganay ako sa tatlong magkakapatid at wala nga akong kinagisnang mga magulang. Kaya nang tumuntong ako ng edad 18 ay nag-asawa na ako. Noong panahong iyon iniisip ko na sa pag-aasawa matatakasan ko ang kahirapan. Pero nagkamali ako, sa halip na maging maayos ang aking buhay ay lalong naging miserable. Nakapag-asawa kasi ako ng isang lalaking lasenggero at iresponsable. Inaakan lang ako nang inaakan kaya nakipaghiwalay ako sa kanya.
2. Sa ngayon, may bago akong kinakasama na may mga anak din. Hirap na hirap kami sa buhay kasi wala naman siyang permanenteng trabaho. Itatanong ko lang kung may pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan. July 14, 1975 ang birthday ko.
Umaasa,
Elena ng Davao
del Norte
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ay nagsasabing ang anak na isinilang sa sign na Pisces o kaya’y Scorpio ang magdadala sa iyo ng isang sagana at maunlad na pamumuhay, kaya dapat lang na alagaan at mahalin mo siyang mabuti.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagpapahiwatig na kung hindi ang anak mong Scorpio o Pisces ang makapag-aabroad, posibleng ang mister mong isinilang sa petsang 19 o kaya’y 23. Basta ang mahalaga, isa sa miyembro ng iyong pamilya ang makapangingibang-bansa sa taong kasalukuyan.
Luscher Color Test:
Lagi kang magsuot at gumamit ng kulay na berde at dilaw. Ang nasabing mga kulay ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magandnag kapalaran.
Physiognomy:
Upang lalo pang palarin sa buhay, maglagay ka ng artificial na nunal sa kanang bahagi ng iyong pisngi. Kapag nagkaroon ka na ng nasabing nunal, tuloy-tuloy ng gaganda at yayabong ang iyong kapalaran sa aspetong pananalapi at pang-materyal na mga bagay.
Huling payo at paalala:
Elena, ayon sa iyong kapalaran, tulad ng naipaliwanag na, matatapos na rin ang iyong mga paghihirap at ito ay magsisimulang maganap sa susunod na taon. Sa edad mong 41 pataas, isa sa mga anak mo o dili kaya’y si mister ang makapag-aabroad. Sa sandaling may nakapag-abroad na sa miyembro ng inyong pamilya, magsisimula na kayong susuwertehin sa buhay, hanggang sa makaahon sa kahirapan at tuluyan na ring umunlad at umasenso ang kabuhayan ng inyong pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending