Lukresyang singer-actress ayaw nang kunin sa kampanya | Bandera

Lukresyang singer-actress ayaw nang kunin sa kampanya

Cristy Fermin - April 02, 2016 - 03:00 AM


BLIND ITEM FEMALE 0316

HINDI na pala kinukuha ngayon ng mga namamahala sa kampanya ang isang singer-actress na produkto ng isang malaking pamilya ng mga artista. Nadala na kasi ang mga ito sa sobrang kaartehan ng female performer.

Hindi lang sa mga ganitong panahon naiimbiyerna ang marami sa singer-actress, kahit sa mga live shows ay bihira na siyang mapanood, umiiwas na sa stress at inis ang mga talent coordinator sa kaartehan ng babaeng ito.

Kuwento ng aming source, “Sino naman kasi ang hindi huhulagpusan ng pasensiya sa babaeng ‘yun?

Ibibigay mo sa kanya ang venue at calltime niya, nagkasundo na kayo sa presyo, sasalang na lang siya.

“Topakin ang babaeng ‘yun! Ang calltime niya, e, alas nuwebe nang gabi, darating siya nang napakaaga, alas siyete pa lang, nandu’n na siya. At ang the height, mangungulit siya na isalang na siya agad sa show!

“May sinusunod na sequence, di ba? Nakaplantilya na kung sinu-sino ang sunud-sunod na magpe-perform. Sinisira niya ‘yun, gusto niyang magpasalang agad, samantalang kaya nga siya kinol nang medyo late na, e, dahil nasa bandang huli na siya.

“Naku, talagang kukulitin niya nang kukulitin ang production, hanggang sa dahil sa sobrang inis, isasalang na lang siya nang mas maaga!” naiinis na kuwento ng aming impormante.

Kailan lang ay tinawagan ng malditang singer-actress ang mga humahawak ng kampanya ng iba-ibang pulitiko, nagpaparamdam siya, nandiyan lang daw siya kapag kailangan ng mga ito.

Sagot sa kanya ng isang tinext niyang coordinator, “Ay, pasensiya na, hindi na masyadong kumukuha ng mga performers ang mga pulitiko, nagtitipid na sila.”

Bradly Guevarra, kilalang-kilala mo kung sino ang lukresyang singer-actress na ito, pinsan siya ng mahal mong idolo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending