Poe nasolo ang liderato | Bandera

Poe nasolo ang liderato

Leifbilly Begas - April 01, 2016 - 03:53 PM

JOJEMAR BINAY, RODRIGO DUTERTE, GRACE POE AT MAR ROXAS

JOJEMAR BINAY, RODRIGO DUTERTE, GRACE POE AT MAR ROXAS


Muling nanguna si Sen. Grace Poe sa presidential survey ng ABS-CBN 2 na isinagawa ng Pulse Asia.
Si Poe ay nakakuha ng 28 porsyento mas mataas ng dalawang porsyento sa kanyang nakuha sa survey noong Marso 8-13.
Statistically tied naman sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakakuha ng 24 porsyento at si Vice President Jejomar Binay na may 23 porsyento. Bumaba si Duterte ng isang puntos at tumaas naman si Binay ng isa.
Nakakuha naman si Mar Roxas ng 19 porsyento at si Sen. Miriam Defensor Santiago ay 2 porsyento.
Ang survey ay may error of margin na 1.5 porsyento.
Nagpasalamat naman si Poe sa resulta ng survey at sinabi na patuloy itong magtatrabaho upang lalo pang mapataas ang kanyang mga numero.
“So, ngayon, patuloy lang ang ating pag-iikot na sabihin talaga ang problemang kailangang labanan natin ay kahirapan. Sa tingin ko ‘yon ang mensahe sa ating mga kababayan. Programa natin para maibsan ang kahirapan, magkaroon ng sapat na suporta ang gobyerno sa mga mahihirap,” ani Poe na nangampanya sa Laguna kahapon.
Sinabi naman ni Akbayan Rep. Barry Gutierrez, spokesman ng Team Daang Matuwid ni Roxas, na patuloy pa ring magkakadikit ang mag numero at wala pang nakatitiyak ng panalo.
“Isa lang ang malinaw sa huling survey ng Pulse/ABS: Patuloy pa ring nag-iisip ang ating mga kababayan at dikit pa rin ang laban. Habang tumatagal, mas lalong nadidinig ang mensahe ng pagpapatuloy ng pag-unlad na dala ni Mar Roxas.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending