‘Sana siya na talaga ang makasama ko forever!’
KUNG yayayain daw siyang magpakasal ng kanyang boyfriend na si Erwan Heussaff, papayag daw si Anne Curtis – ‘yan ay kung pareho na raw silang handang lumagay sa tahimik.
Sa pocket presscon ng bagong teleserye niya sa ABS-CBN, ang Kailangan Ko’y Ikaw kasama sina Kris Aquino at Robin Padilla, ipinagdarasal daw ni Anne na sana nga’y si Erwan na ang mapangasawa niya, ayaw na raw niya ng ibang lalaki.
“Hopefully siya na talaga, kasi hindi naman ako papasok sa relationship na I don’t think na sana hindi siya, gusto ko siya na.
Three years na kami ni Erwan, and I believe this ito na ‘yung pinaka-consistent na relationship ko.
Kasi may mga on and off (relationship) din ako dati, e.
Pero siya lang ‘yung talagang consistent, walang break,” kuwento ni Anne.
So, good boy talaga ang dyowa niya, hindi ba sila nag-aaway? “We also fight, it’s only natural na kapag minsan nag-aaway kayo, pero hindi pa naman to the point na naghamunan ng hiwalayan.
Never din kaming nag-away dahil sa selos.
Wala talaga. At ‘yun naman ‘yung maganda, di ba?
Sabi ko nga, parang ngayon ko lang na-experience ‘yung ganu’n, I guess it comes with maturity.
I don’t blame my past relationships ha, kasi ganu’n din ako dati.
Pero ngayon may sense of security ka na.”
Naikuwento rin ni Anne na talagang pumapayag din siyang maging “alalay” ni Erwan lalo na kapag may sport events ito, kamakailan nga raw sa sinalihan nitong triathlon, talagang nagpaka-stage girlfriend siya, “Wala lang, for a change, I really made an effort talaga to be with him sa event na ‘yun.
Actually, may mga lumalapit nga sa akin para magpa-picture, pero talagang sinasabi ko sa kanila, ‘Im sorry po I’m here to support my boyfriend.
But in a nice way naman ‘yun ha, kaya they understand.”
Kung bigla siyang yayain ng kasal with matching ring agad-agad?
“You know, I still believe if this is the right time, and we’re both ready, why not?
Ayoko namang magsabi ng ayoko, I mean, you’ll never know, nasa tamang edad na rin naman ako, pero I know din kasi na may mga pangarap pa rin kami, e.
And up to now, wala pa rin akong dream wedding, ha, basta ang gusto ko lang ‘yung pa-sunset ang location.
Outdoor wedding siya.”
But how about, kids?
Nai-imagine na ba niya na meron na siyang anak? “I really want to have kids, gusto ko talaga.
Pero ang dami ko pang pangarap na gustong maabot, so siguro hindi pa ngayon.
But if I could, and have both at the same time, why not?
Pero hindi, e. Ang dami pang work na naghihintay.
Tsaka na, there’s a right time naman for that.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.