NAPATUNAYAN ng negosyanteng si Kim Wong na wala siyang kinalaman sa pangulembat ng $81 million sa account ng Bangladesh central bank sa New York Federal Reserve.
The $81 million laundered money is the biggest electronic robbery in history.
Nadamay lang si Kim dahil bilang big-time junket operator siya ang nag-asikaso ng mga high rollers na galing sa China na nagdala ng malaking halaga sa bansa.
Pinatotohanan ni Kim ang kanyang pinangako sa akin na wala siyang itatagong impormasyon sa Senate blue ribbon committee na nag-iimbestiga ng money laundering.
Natural ang kanyang pagsagot sa mga tanong at halatang-halata na wala siyang tinatago.
Ang akala kasi ni Kim ay nanggaling ang perang ibinayad sa kanya ng mga Chinese casino players.
Ang junket operator ay tumutugon sa pangangailangan ng mga big-time casino gamblers gaya ng first-class hotel accommodations, saan sila kakain at mga lugar na pupuntahan nila at mga ibang bagay na alam mo na.
Pinahihiram din si Kim ng pera ang kanyang mga bisita kapag natatalo sila sa casino.
Ang pagpapautang ni Kim ang naging dahilan kung bakit nagkaroon siya ng P450 million, na parte ng ninakaw sa Bangladesh central bank.
Ang nasabing halaga ay ibinayad sa kanya ni Shuhua Gao, isang junket operator na taga Beijing , na nanghiram sa kanya ng ganoong halaga matapos matalo ito sa casino.
Sinabi ni Kim sa komite ng Senado na isosoli niya ang malaking halaga sa Bangladesh.
Pero mas malaki pang halaga ang isosoli ni Kim sa Bangladesh.
Kahapon ng hapon, nag-usap kami ng anak niyang si Kevin at sinabi ng batang Wong na isosoli din ng kanilang pamilya ang $4.6 million na naka-safekeeping sa Solaire casino na nasa pangalan ni Kim.
At ang isa pang halaga na isosoli ng pamilya Wong ay ang P40 million na nakadeposito sa Eastern Hawaii Leisure Corp. na isusugal sana ng mga bisita ni Kim sa Midas casino.
Lahat-lahat, ang isosoling halaga ng pamilya Wong sa Bangladesh ay P701,874,000 sa gobiyerno ng Bangladesh.
Kapag sinuma mo ang P450 million, P211,874,000 ($4.6 million converted to pesos at the current exchange rate of P46.04 to the US dollar) and P40 million.
Sinabi sa akin ni Kevin Wong na nagdesisyon ang kanyang ama matapos makipagpulong sa kanya at sa kanyang kapatid na si Kathryn.
Sinabi nina Kevin at Kathryn sa kanilang ama, “Pa, maski maghirap tayo dapat nating isauli ang pera na alam na natin na ninakaw.”
Hindi ako nagkamali sa aking sinabi sa column na ito at sa aking column sa INQUIRER na walang kinalaman si Kim sa $81 million electronic robbery.
Kilala ko na si Kim mula pa noong 16 taong gulang pa lang siya noong 1978.
Errand boy pa siya noon sa Impierno, isang girlie bar sa Ermita, Manila, na palaging kong pinupuntahan noong ako’y police reporter ng Manila Bulletin.
Ang may-ari ng bar na si Sofio Tiu ang nagsabi sa akin na maaasahan si Kim sa pera at nagsasabi siya ng totoo.
Maraming taon ang lumipas at napatunayan ko na hindi nagbago sa pagiging honest ni Kim nang naging kasosyo ko siya sa restaurant business.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.