Anak ni Chiz nahawa sa pagiging fashionista ni Heart
Unlike other celebrities na lumabas ng bansa nitong nakaraang Holy Week, mas minabuti ni Heart Evangelista na mag-spend ng vacation sa hometown ng kanyang husband na si Sen. Chiz Escudero sa Sorsogon.
Talaga namang in-update pa rin ni Heart ang kanyang fans through her Instagram account at nag-post ng photos ng kanyang bakasyon sa ancestral house ng mister. Mukhang super na-enjoy ni Heart ang break mula sa kanyang hectic schedule sa tapings, at gayundin sa campaign sorties for her hubby.
After the holy week escapade at the province ay balik-Maynila na si Heart at nitong Easter Sunday ay nag-bonding naman siya with Chesi, ang isa sa twins ni Sen. Chiz. Nag-shopping si Chesi with her Tita Heart, and of course, being a well-known fashionista, nagsilbing stylist ng bata ang aktres.
Nag-post pa si Heart ng photo ni Chesi while shopping and another post for the little girl’s OOTD or outfit of the day. Well, halata namang si Heart na talaga ang pumipili ng mga damit ng twins ni Sen. Chiz at mahilig na rin kasi talagang pumorma ang unica-hija ng senador.
Madalas nga raw sumama si Chesi kay Heart kapag pumupunta ito sa mall at nagba-bond ang dalawa over super girly things such as shopping and manicure and pedicure time. Nang nag-launch nga ng beauty book si Heart ay talagang present si Chesi para suportahan ang kanyang stepmom at nagterno pa sila ng hairstyle.
Siyempre todo puri na naman ang fans ni Heart sa kabaitan ng aktres at pagmamahal nito sa mga anak ng kanyang husband. Also, nag-promise pa si Heart na mas maglalaan pa ng oras para sa girl time nila ni Chesi despite her busy schedule.
Samantala, dahil papalapit na nang papalapit ang eleksyon ay inaasahang dodoblehin pa ni Heart ang pag-iikot sa iba’t ibang lugar para ipangampanya ang kanyang asawa. Apparently, more people are expecting na mas marami pa silang campaign sorties ng BFF niyang si Lovi Poe after their visit sa Ilocos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.