Regine kinakabog ni Snooky Serna sa Poor Señorita | Bandera

Regine kinakabog ni Snooky Serna sa Poor Señorita

Cristy Fermin |March 31,2016
facebook
share this

Regine kinakabog ni Snooky Serna sa Poor Señorita

Cristy Fermin - March 31, 2016 - 02:00 AM

regine velasquez

Nasilip namin ang bagong show ni Regine Velasquez sa GMA 7, ang Poor Señorita, paboloso ang entrada ng kanyang rom-com dahil sa unang eksena pa lang ay ipinakita agad ang singer-actress na nakasakay sa chopper.

Anak ng bilyonaryong businessman na maagang namatay si Regine, negang-nega ang kanyang ugali, tanggal lang siya nang tanggal ng kanilang mga empleyadong nakagagawa ng kapalpakan o anumang ayaw niya.

Pero sa mga eksenang napanood namin ay hindi masyadong mahal ng mga camera ang Asia’s Songbird. May kalakihan siya sa frame, halatang-halata ang pagiging malusog niya, lalo na sa bandang baba niya na namumurok talaga siya sa katabaan.

Mas maganda pang tingnan sa kanya si Snooky Serna na di hamak na mas may edad na kesa sa kanya, bukod sa maganda pa rin ang aktres ay hindi gaanong lumaki ang katawan, kinakabog ni Snooky si Regine sa kanilang mga eksena.

Sana’y mahanapan ng pinakamagandang anggulo ng produksiyon si Regine, ‘yung hindi siya nagmumukhang matabang-mataba, kagaganda pa naman ng mga isinusuot niyang damit pero hindi ‘yun bumabagay sa itsura niyang parang matrona na ang dating.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending