Dina: Ayoko ng mga kababawan, yung puro pagka-pagkain lang!
HAPPY ang aktres na si Dina Bonnevie na makatrabaho ulit ang Kapuso leading man na si Tom Rodriguez sa indie movie na “Magtanggol, Bagong Bayani.” Vibes sila ni Tom dahil pareho silang nagpe-paint.
Si Tom ay magaling mag-sketch habang si Dina naman ay charcoal drawings ang ginagawa. Among her contemporaries, nami-miss na ni Dina ang makatrabaho ulit sa pelikula sina Lorna Tolentino, Amy Austria and Gina Alajar.
Gusto rin niyang makasama ulit ang mga dating leading men niya na sina Christopher de Leon at Edu Manzano. Katatapos lang nilang gumawa ni Boyet ng soap opera sa GMA. At balita niya, ayaw nang gumawa ng serye ni Edu. Napapagod na raw at ayaw na nang puyatan.
“Pero hindi lang naman ‘yung ka-contemporaries ko ang gusto kong makasama. Ang gustung-gusto ko sanang makasama sa movie at talagang dream ko na makatrabaho, si John Lloyd (Cruz). Kasi sa akin, ha, sa young actors talaga he is the most sensitive and for me pinakamagaling na artistang lalaki ngayon,” ani Dina.
Napanood ni Ms. D lahat ng pelikula ni John Lloyd with Bea Alonzo. Nagagalingan din daw siya kay Piolo Pascual, “But John Lloyd moves me,” madamdaming sabi ni Dina. “When I see his movies talagang he moves me.
Na talagang napapaiyak niya ako, I got so engrossed with the movie and I feel! ‘Yung talagang after the movie, talagang nag-e-emote-emote ako.” Pati movie ni John Lloyd with Vilma Santos titled “In My Life” ay naalala pa ni Dina kung saan ang galing-galing daw ng Kapamilya actor.
“‘Tsaka ang galing ng mga nuances niya kasi. Kahit walang dialogue, ‘yung nakikinig lang siya, talagang ang lakas ng screen presence niya.” Biglang na-remember ni Ms. D na nakatrabaho na niya noon sa Maalaala Mo Kaya si JLC.
Pero maikli lang daw ang eksena nila kaya nakalimutan na niya. Sa mga director naman, marami raw magagaling na baguhan including Siegfreid Barros Sanchez na direktor nila sa “Magtanggol, Bagong Bayani” ng Felix and Bert Film Productions.
Wish ni Dina na makatrabaho rin niya ang mga bagong direktor ngayon. “Si Direk Sigfreid he knows what he wants. He knows what feel you want? What look? Kasi ‘di ba may ibang director na they totally doesn’t. Ang maganda pa sa kanya, he has a good handle about the movie,” say niya.
Perfectionist daw si Direk Sigfreid. Dahil sa tema ng “Magtanggol,” na-miss niyang bigla ang mga pelikulang ginawa niya noon sa direksyon ni “the” Lino Brocka. “I missed doing movies like that, ‘yung talagang maaalala ka ng tao, ‘Naku, I remember when you did this movie, tumatak talaga sa utak ko ‘yung mensahe ng pelikula.’ Gusto ko ‘yun, e.
Because you know, personally, ganoon din ako, e,” lahad niya. Tulad ni Dawn Zulueta, nagbigay din ng opinion si Dina tungkol sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga direktor sa industriya na diumano’y may kinalaman sa working condition sa paggawa ng pelikula at teleserye.
“Kaya nga sabi ko, sana tratuhin nila ang bawat artista na parang nagtatrabaho sa isang korporasyon, ‘di ba na eight hours, 10 hours? Kasi may mga lovelife rin kami, may mga pamilya rin kami. Kaya maraming naghihiwalay sa showbusiness kasi nasa bahay na ang asawa mo, nasa labas ka pa.
Tapos the only time you get home, time for him or her to be with you, antok ka naman,” sey ni Ms. D.
Parang ang only time to say no raw sa shooting is Sunday which is the very first rule ni Dina sa mga producer.
Hindi siya nagtatrabaho ng Linggo and until 2 a.m. lang daw siya sa shooting. “Pero ngayon, gusto ko nang magbigay ng cut-off na 12 a.m.. Kasi it’s really no joke,” dagdag pa ng aktres.
Bukod sa mga artistang dati niyang nakakasama sa trabaho, nami-miss din ni Dina ang magkaroon ng sarili niyang talk show. “Alam mo gusto kong magkaroon ng talk show ulit, promise!” sabay bunting hininga ni Dina.
Naalaala raw niya during this time na malapit na eleksyon, halos lahat daw ng mga senador ay nag-guest sa show niya. “Lately nga may mga nakita akong politiko, ‘O, Dina, can you interview me? I’m running.’ ‘Ay, naku Senator, wala na po akong talk show.’ ‘Huh?! Sayang naman.
Wala na ba?’ Sabi ko, wala na. E, kasi gustung-gusto nila mag-guest sa show ko noon,” she said.
“Kasi ‘yung talk show ko naman hindi ‘yung kababawan lang na mga pagka-pagkain lang, e. Ayoko ng mga kababawan na talk show.
Gusto ko ‘yung meron talagang mensahe everyday and I remember I would personally answer all the people who would send me e-mails. “Meron silang mga inspirational poem, inspirational verse. I always open my show with that, ‘di ba? Or close my show with that,” pagri-recall pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.