Male star nahuling niloloko ng dyowang aktres | Bandera

Male star nahuling niloloko ng dyowang aktres

Reggee Bonoan |March 31,2016
facebook
share this

Male star nahuling niloloko ng dyowang aktres

Reggee Bonoan - March 31, 2016 - 02:00 AM

BLIND ITEM MAN 0220

Mukhang wala nang balikan talagang mangyayari sa dating magdyowang celebrity dahil ang lalaki raw mismo ang umayaw na, kuwento ng taong malapit sa guy. Ayon sa source na malapit sa dating dyowa ni female star, “Ayaw na, he thinks he was betrayed twice, so wala na.

You know naman pag lalaki na ang umayaw, ibang usapan na, unlike girls kapag umayaw puwedeng mahilot at ma-develop ulit. “Ang guys pag napilit, bibigay pero in the end, alam mo na, gulo na ‘yun,” sabi pa sa amin.

Sa tanong namin kung bakit sa tingin ng guy celebrity na niloko siya ng kanyang ex, “E, nahuling two timer daw si _____ (girl celebrity). Naging news ba ‘yun? Parang hindi naman yata, di ba?”

Wala rin naman kaming nabalitaang nanloko o niloko ng girl celebrity ang ex-boyfriend niya kaya ano kaya ang matinding dahilan at ang lalaki na mismo ang umaayaw. Dagdag ng aming kausap, “Friends na lang daw sila, eh.”

Baka nga mas magandang magkaibigan na lang ang dalawang celebrity kaysa ipilit nila ang relasyong hindi naman ukol. Sana na lang makahanap pareho ng maayos na karelasyon ang ex-celebrity couple dahil pareho silang mabait at matinong tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending