NAKASUNGKIT ng gintong medalya ang Philippine women’s compound team habang nagkasya sa pilak si Ma. Amaya Amparo Cojuangco sa women’s compound individual event sa 2016 Asia Cup-World Ranking Tournament nitong Linggo sa Sports of Authority of Thailand sa Bangkok, Thailand.
Pinatunayan ng mga Pinay archers ang pagiging top seed nito sa pangunguna sa qualification round kontra 12 iba pang bansa bago pinatalsik sa Olympic round ang eighth seed Hong Kong, 224-220, at third seed India sa finals, 224-223.
Samantala, umakyat sa finals si Cojuangco sa pagbigo kina Viktoriya Lyan ng Kazakhstan sa second round, 141-139, 16th seed Taiwanese Ting ting Wu sa third round, 145-142, at 8th seed Indonesian Dellie Threesyadinda sa fourth round, 140-137.
Nabigo naman si Cojuangco kay second seed Iranian Jyothi Surekha Vennam sa gold medal match, 140-142.
—Angelito Oredo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.