Isang 67-anyos mula sa Zamboanga del Norte ang nanalo ng P43.3 milyong jackpot prize sa bola ng Mega Lotto 6/45 noong Marso 14.
Ang nanalo ay may-asawa, tatlong anak. Siya ang nag-iisang tumaya sa winning number combination na 21-18-3-5-34-10.
Noong 1995 pa siya nagsimulang tumaya sa lotto at lucky pick ang kanyang tinayaan ng manalo.
Nagkakahalaga ng P100 ang taya niya ng manalo.
Sinabi ng nanalo na magbibigay siya ng donasyon sa kanilang kapilya at titipirin ito upang maging maayos ang buhay ng kanyang mga anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.