PNoy muling inungkat ang Martial Law sa anibersaryo ng Philippine Army | Bandera

PNoy muling inungkat ang Martial Law sa anibersaryo ng Philippine Army

- March 22, 2016 - 03:22 PM

PNoy

PNoy


MULING inungkat ni Pangulong Aquino ang Martial Law sa pagdiriwang ng ika-119 anibersaryo ng Philippine Army (PA).

“Dumating po ang Martial Law, at talagang nagbago ang pananaw ko ukol sa ating mga sundalo. Dito mismo sa Fort Bonifacio at maging sa Fort Magsaysay, nakulong ang aking ama nang pitong taon at pitong buwan,” sabi ni Aquino sa kanyang talumpati sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Idinagdag pa ni Aquino na dahil sa Batas Militar, lumobo ang bilang ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa 25,000.

“Sa loob ng ating administrasyon, sa pagtupad ninyo ng higit 1.3 milyon na operasyon kontra sa mga kalaban ng Estado, tuluyan nating napalaya ang 50 sa 76 na probinsyang apektado ng panggugulo ng NPA. Labindalawa na lang po ang natitira,” dagdag ni Aquino.

Nauna nang binatikos ni Aquino si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa posisyon nitong hindi magso-sori sa mga biktima ng Martial Law.

Kasabay nito, nanawagan si Aquino sa mga sundalo na manatiling walang kinakampihan sa eleksiyon sa Mayo 9.

“Kaya naman, sa paparating na halalan, malinaw ang atas sa atin ng sambayanan: Manatili sa kanilang panig, huwag makihalo sa pulitika, at siguruhing mananaig ang nagkakaisang tinig ng bayang tumatahak sa landas ng demokrasya,” dagdag ni Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending