Ang ka-chat na ba ang makakatuluyan? | Bandera

Ang ka-chat na ba ang makakatuluyan?

Joseph Greenfield - March 22, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Camile ng Matabao, Buenavista, Agusan del Norte
Dear Sir Greenfield,
Wala po akong boyfriend sa ngayon pero may ka-chat po ako na isang foreigner. At magwa-one year na ang relasyon namin. Balak nya daw pong mag-visit sa ating bansa this coming summer vacation, baka daw po sa buwan ng Mayo. Itatanong ko lang po kung matutuloy kaya siya sa pagbisita sa akin? Compatible po ba kami at siya na kaya ang makakatuluyan ko? Virgo po ako na isinilang noong September 14, 1989 at Taurus naman ang foreigner na ka-chat ko na isinilang naman noong May 17, 1980.
Umaasa,
Camile ng Agusan
del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na kung sakaling maging boyfriend mo ang ka-chat mong foreigner ng seryoso at totohanan, malaki ang posibilidad na kayo na nga ang magkakatuluyan.
Cartomancy:
King of Hearts, Queen of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kayo na nga ang magkakatuluyan ng kasalukuyan mong ka-text mate, as long na iyon ang gusto mo talagang mangyari, dahil ang Nine of Heart ay ang “wish card” na ibig sabihin lang anuman ang hilingin mo ay siguradong magkakatotoo at matutupad.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending