Miriam lumahok sa debate sa Cebu sa pamamagitan ng Twitter | Bandera

Miriam lumahok sa debate sa Cebu sa pamamagitan ng Twitter

- March 21, 2016 - 01:31 PM

Miriam-tweets-1
LUMAHOK si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa pangalawang debate sa University of the Philippines (UP) Cebu noong Linggo sa pamamagitan ng social media, kung saan nagbigay siya ng posisyon sa mga iba’t ibang isyu na natalakay.

Sa pamamagitan ng kanyang staff, ipinaalam ni Santiago ang kanyang posisyon sa Freedom of Information (FOI) bill, legalisasyon ng divorce, at ang West Philippine Sea sa pamamagitan ng Twitter.

Sinabi ni Santiago na sesertipikahan niya bilang urgent ang FOI bill, sakaling manalo bilang pangulo ng bansa.

Pabor naman si Santiago sa legalisasyon ng divorce sa bansa matapos namang wala sa apat na mga kumakandidato ang sumuporta sa panukala.

Idinagdag ni Santiago na suportado rin nita ang panukalang pagbabalik ng death penalty sa mga drug trafficker na kapwa sinuportahan din nina Sen. Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

“Miriam is open to death penalty for drug traffickers. She also maintains that the justice system should be improved,” sabi ng tweet ng kanyang staff.

Samantala, sinabi rin ni Santiago na igiginiit ng Pilipinas ang “national territorial integrity kaugnay ng West Philippine Sea.

Ayon pa kay Santiago, sasama ang Pilipinas sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nation (Asean) na haharap sa China.

Nauna nang sinabi ni Santiago na hindi siya makakadalo sa debate sa Cebu dahil susubukan niya ang bagong anti-cancer drug.

“I am very sorry to miss out on the debates, but it would be a disservice to the country if I forego the opportunity to get rid of my cancer completely and strengthen myself further to serve the Filipino people,” sabi ni Santiago.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending