Binay, Poe matindi ang debate sa citizenship, ‘pangungulimbat’
NAGING matindi ang bakbakan sa pagitan nina Senador Grace Poe at Vice President Jejomar Binay sa isyu ng citizenship at pangungulimbat na ibinabato sa kanila, ayon sa pagkakasunod.
Ito ay matapos sabihan ni Binay si Poe na itinakwil nito ang pagiging Pilipino at pinili na manilbihan sa ibang bansa kung kayat hindi ito nararapat maging pangulo ng bansa, na sinagot naman ni Poe na narito ka nga sa Pilipinas, nangungulimbat ka naman.
Makailang beses nagbalikan ng mga pahayag ang dalawa, na halos hindi na mapigil ng host na si Luchi Cruz-Valdez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.