Netizens nabuwisit sa delayed na debate | Bandera

Netizens nabuwisit sa delayed na debate

- March 20, 2016 - 06:15 PM

IKINABANAS ng marami ang pagkakaantala ng naka-schedule na ikalawang debate ng mga presidentiable Linggo ng hapon.

Ayon sa mga organizer ng Cebu-leg Comelec debates, TV 5 at Philippine Star, hindi sila ang dahilan ng pagkaka-delay ng debate, kundi ang ilang concern na inihihirit ng mga kandidato.

Ayon kay Sheryl Cosim, isa sa mga anchor ng TV5, handang-handa ang kanilang grupo kasama ang Philippine Star para sa nakatakdang debate na sana ay magsisimula ng alas-5 ng hapon, ngunit meron umanong mga inihihirit ang mga kandidato na kailangan pang plantsahin.

“Hindi po kami ang cause ng delay.  Kami po ay handang-handa para sa debateng ito.  Nangyari lang po na meron pong mga concern ang ilan sa ating mga kandidato ang pinaplantsa pa,” pahayag nito sa kanilang mga televiewers na nagpahayag ng matinding pagkadismaya sa mahigit isang oras na delay.

Pasado alas 6:10 na ng gabi ay hindi pa rin nagsisimula ang debate.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending