Binay pinakamaagang dumating sa UP Cebu para sa ikalawang debate | Bandera

Binay pinakamaagang dumating sa UP Cebu para sa ikalawang debate

- March 20, 2016 - 06:03 PM

Roxas-Poe-Binay-Duterte-file-0803NAIS ni Vice President Jejomar Binay na maging handa.
Kumpara sa tatlong katunaggali, dumating si Binay ng pinakamaaga sa Performing Arts Hall ng University of the Philippines Cebu campus.
Pumasok si Binay sa loob ng dalawang-palapag na gusali ganap na alas-4 ng hapon isang oras na mas maaga sa nakatakdang alas-5 ng hapon para sa PiliPinas 2016 debate at tumuloy sa loob ng debate hall sa ikalawang palapag.
Bumaba siya at kanyang grupo makalipas ang 15 munito.
Naging mahigpit naman ang security personnel sa UP Performing Arts Hall kung saan meron lamang bilang na pinapapasok na kasama ang bawat kandidato.
Tinatayang anim na miyembro lamang ang maaaring makapasok kasama ng kandidato sa VIP area at sa debate hall dahil 300 tao lamang ang kasya rito.
Pinapayagan namang magdala ng 15 mga taga-suporta ang bawat kandidato para manood sa loob ng debate hall.
Nagdala ng mahigit anim na kasama ang pambato ng Liberal Party (LP) na si Mar Roxas kayat hindi pinapasok ang iba niyang kasama sa loob.
Maging si Presidential Spokesperson Edwin Lacierda ay muntik nang hindi makapasok matapos namang pagsarhan siya ng mga guwardiya.
Pangalawa namang dumating si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, na nasa mood nang dumating.
Sa labas ng UP campus, nagtipon naman ang mga taga-suporta ng mga kandidato sa soccer field para suportahan ang kanilang sinusuportahang kandidato.
Mapapanood naman ang debate ng live gamit ang wide screen TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending