Alden, Coco iniintriga dahil sa TV commercial; pataasan ng talent fee
SASAMANTALAHIN talaga ni Alden Richards ang two-day Lenten break (Maundy Thursday at Good Friday) para makapag-recharge siya. “Tulog po,” sey ng sikat na aktor sa tanong kung ano ang gagawin niya sa dalawang araw na day off na aminadong bilang na bilang nga ang oras ng kanyang pagtulog sa dami ng commitments.
At dahil devoted Catholic ang family nila, traditional ang gagawin nilang pag-observe sa Holy Week, simula pa raw kasi noong bata siya may sinusunod na silang tradisyon kapag Mahal na Araw.
At dahil lola’s boy ang Pambansang Bae, naikuwento nito ang mga nakasanayan na nilang gawin kapag lenten season, gaya ng hindi masyadong pagsasalita kapag Good Friday at ang pagkain ng marami, lalo na ng karne.
“Nakasanayan na po, eh. For as long as wala namang hindi maganda na nagaganap bakit pa babaguhin?” hirit pa ng aktor na inihalintulad ang tradisyon sa latest “gamot” na kanyang ine-endorse, ang Neozep Forte.
Yes, nag-lost count na nga si Alden sa dami ng endorsements niya ngayon. Umeere na ang kanyang TV ad for Neozep from Unilab kung saan kasama nga niya ang kanyang lola sa father side at mga kapatid na siyempre’y nakatanggap din ng kani-kanilang talent fee.
Si Coco Martin ang huling celebrity-endorser ng Neozep at hindi namin maiwasang itanong sa mga taga-Unilab kung bakit this time ay si Alden maman ang kinuha nila. “Well marami pong pinagdaanang proseso ang pagkuha sa kanya.
Bukod sa pagiging makapamilya niya, mahirap naman sigurong palampasin yung katotohahan na isa siya sa pinakasikat at effective na endorser ngayon. We simply want him to be associated with our brand,” sagot ng isang taga-Unilab sa amin who also added, “But Coco is still with us.
May contract pa siya until the end of this year at very active pa sa ibang platforms ang kanyang mga campaigns for us.” Natawa na lang ito sa aming intriga-komento na kailangang balikan niya kami after three months or so to tell us kung sino nga between Coco and Alden ang more effective endorser in terms of sales and return of investments.
Balita rin kasing nakakalokang six figures ang talent fee ni Alden for the said brand, how true?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.