‘Probinsyano’ ni Coco hanggang Disyembre pa?

By Ervin Santiago March 20,2016
share this

‘Probinsyano’ ni Coco hanggang Disyembre pa?

By Ervin Santiago March 20,2016
share this

coco martin

To-the-rescue muli si Cardo (Coco Martin) kay Junior (Lei Andrei Navarro) na muling nalalagay sa panganib sa numero unong teleserye sa bansa na FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa hindi inaasahang pangyayari, na-kidnap ng mga tauhan ni Doc Ivan (Eric Quizon) ang pamangkin ni Cardo upang magsilbing kidney donor sa anak ni Belinda (Gelli de Belen). Kaya naman gagawin ni Cardo ang lahat para hulihin ang mastermind ng sindikato at makitang ligtas ang buhay ni Junior at ng iba pang batang biktima ng grupo.

Kasabay nito, pinaghihinalaan naman ni Joaquin (Arjo Atayde) na sangkot ang kanyang amang si Tomas (Albert Martinez) sa nagaganap na malawakang organ trade. Ngunit ang hindi nito alam, kasama lamang ito sa plano ni Fernan (Ping Medina), isa sa mga tauhan ni Tomas, na palabasing may koneksyon ito sa nagaganap na krimen upang mapagtakpan si Doc Ivan bilang pasasalamat sa pagligtas niya sa buhay ng kanyang anak mula sa bingit ng kamatayan.

Matagpuan pa kaya ni Cardo ang kanyang pamangkin? Paano niya mapupuksa ang paglaganap ng krimeng dala ni Doc Ivan? Huwag palampasin ang mga ma-aksiyong tagpo sa FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN.

Samantala, mukhang aabot pa nga hanggang sa katapusan ng taon ang primetime series ni Coco dahil sa taas ng rating nito. Tulad nga ng sinasabi ng mga viewer, walang sawa factor ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil paiba-iba ang mga kasong hinahawakan ni Cardo.

Sabi nga ng isang nag-text sa amin na adik na adik sa serye ni Coco, “Ito yung klase ng teleserye na pwedeng tumagal nang ilang taon dahil every week may ibang aabangan ang manonood. At malalaking artista rin ang gine-guest nila, yun ang isa pang sikreto ng programa ni Coco. Kaya hindi kami magtataka kung i-extend pa ito nang i-extend.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending