Balanga City nakapagtala ng bagong world record matapos makapag-organisa ng 16,000 sa dance fitness class
NAGPAPAWIS ang mahigit 16,000 mga residente matapos silang magsayaw para makapagtala ng bagong world record sa Balanga City kahapon ng umaga.
Opisyal na idineklara ng Guinness World Records ang lungsod bilang bagong may hawak ng pinakamalaking dance fitness class sa iisang lugar matapos umabot sa 16,218 ang mga lumahok, dahilan para mabura ang rekord ng Mexico City na may kabuuang 6,639 mga lumahok.
Iniabot ni Kimberley Dennis, Guinness World Records adjudicator, ang plake sa mga lokal na opisyal
matapos namang magsayaw ang mga lumahok ng 37 minuto na nagsimula ganap na alas-6 ng umaga sa kahabaan ng along Enrique Garcia Sr. ave. sa lungsod.
Karamihan sa mga lumahok ay mga mag-aaral mula sa iba’t ibang mga paaralan sa probinsiya.
Ginawa ang pagtatanghal bago opisyal na kilalanin ang lungsod bilang kauna-unahang tobacco-free city sa buong mundo ng international organization na Tobacco Free Generation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.