Karla sa mga basher ni Daniel: Alam kong tama ang ipinaglalaban namin!
HINDI nababahala ang Queen Mother na si Karla Estrada sa patuloy na pamba-bash ng ilang netizens sa kanyang anak na si Daniel Padilla, pati na rin sa rumored girlfriend nitong si Kathryn Bernardo dahil sa pagsuporta ng mga ito sa kandidatura ni Mar Roxas.
“Alam n’yo po, kapag eleksyon, sa tagal ko na rito, sa napakarami ko nang kaibigan sa pulitika, every campaign period is a bashing period.
“Wala tayong magagawa doon. Kahit nga yung normal lang na nangyayari sa kapaligiran natin ay naba-bash tayo. Ngayon pa na mayroon tayong kalaban na tinatawag sa pulitika,” paliwanag ni Karla sa presscon ng kanyang first major concert titled “Her Highness: The Queen Mother In Concert” na gaganapin sa KIA Theater sa April 30.
Pagpapatuloy pa ni Karla, “That’s so normal. Wala akong ikinatatakot diyan, wala akong ipinag-aalala diyan. They can say whatever they want to say because this period is a bashing period talaga dahil campaign period.
“Ang importante ay alam ko, alam ng anak ko, alam naming mag-ina at ng buong pamilya ko na nasa tama ang aming ipinaglalaban,” paninindigan pa ng nanay ni Daniel.
Inamin din ni Karla na dati ay gsuto niya ring sumabak sa politics, ngunit bigla itong nagbago nang maging artista na siya, “Before taaga gusto ko. Tapos, nang maging maayos na ang buhay namin, baka siguro ginawa kong para ito ba yung mas safe.
“Sorry, ha, prangka ako, e. Totoo kasi akong magsalita. So parang sabi ko, saan kaya ako puwedeng magpunta? Yung mga anak ko hindi ko pwedeng pabayaan.
“I thank God na dumating itong mga opportunity, mga blessings sa amin ng mga anak ko, na hindi ako napunta roon.
“Nothing against it. It’s just my opinion na hindi pala ako magiging masaya doon. Mas masaya ako rito. Tulong na lang tayo. Masalimuot masyado ang politika. Mas masalimuot ‘yan kaysa sa showbiz,” sey pa ng singer-actress.
Going back sa kauna-unahang major concert ni Karla, produced by Cornerstone Concerts at Aqueous Events and Smoovetimes Productions (supported by MYX, ABS-CBN Interactive), todo na ang ginagawa niyang preparasyon ngayon para rito.
Gagawin daw lahat ni Karla para sa ikaliligaya ng mga manonood sa kanyang concert. Sisiguruhin daw niyang hindi malulugi ang lahat ng b ibili ng ticket sa sa “Her Highness: Queen Mother In Concert”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.