Mark Neumann naka-move on na sa sex video scandal | Bandera

Mark Neumann naka-move on na sa sex video scandal

Cristy Fermin |March 18,2016
facebook
share this

Mark Neumann naka-move on na sa sex video scandal

Cristy Fermin - March 18, 2016 - 03:00 AM

MARK NEUMANN

MARK NEUMANN

MATAGAL na panahon muna ang pinalipas ng guwapong aktor na si Mark Neumann bago siya nagbigay ng pahayag tungkol sa kanyang sex video na pinagpistahan ng buong bayan.

Human error ang ibinigay niyang dahilan. Ang kapusukan ng isang kabataan ang inamin niyang naging dahilan ng lahat. At para sa kung sinumang nagpakalat nu’n ay isa lang ang kanyang sinabi, bahala na ang kapalaran na humusga sa taong ‘yun, ang mahalaga ay hindi siya nagdenay sa katotohanan.

Patuloy ang magagandang proyekto para kay Mark sa TV5, sa pakikipagpareha ng network sa Viva Entertainment, isa ang guwapong aktor sa nagkakaroon ng biyaya ngayon.

Maganda ang feedback sa fantaserye nila ni Shy Carlos, ang Tasya Fantasya, napapanood ang serye tuwing Sabado nang gabi.

“I really enjoy working with Shy and the group. Masasaya kami sa set, parang fantasy rin, magaan ang work namin. I’m so lucky to be working with a group like them,” sabi ni Mark na mas gumuguwapo pa at gumaganda ang tindig ngayon.

Hindi siya santo, hindi rin siya perpekto, kaya malinaw ang kanyang sinabi na human error ang dahilan ng paglabas ng video na naglalantad sa kanyang katawan at bahagi ng kanyang katawan na dapat ay tagung-tago lang.

Patuloy ang takbo ng magandang daloy ng kuwento ng Tasya Fantasya, marami nang nakaabang sa relasyon na mabubuo sa pagitan nila ni Shy, magaling ang grupong humahawak sa palabas.

“Mabait si Shy, she’s so humble, wala siyang ere, gustung-gusto ko siya,” pagtatapos ni Mark Neumann.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending