Mr. Gay World candidate hindi iboboto si Pacman; type maging Yaya Dub
VERY positive ang first runner-up ng “I Am Pogay” ng It’s Showtime (2014) at Mr. Gay World Philippines 2016 na si Christian Laxamana na maiuuwi niya ang titulo at korona ngayong taon.
Gaganapin ang Mr. Gay World 2016, isang international (gay) male pageant, sa Malta simula April 19 at tatagal hanggang April 23, at sabi nga ni Christian sa ibinigay na presscon sa kanya ni 1st Mr. Gay World-Philippines (2009) Wilbert Tolentino, ang bagong National Director ng pageant, gagawin niya ang lahat para maipanalo ang Pilipinas.
Natanong din si Christian sa kanyang send-off presscon na ginanap sa Club 690 sa Roces Avenue, kung bakit confident siya na maiuuwi niya ang korona? “Behind these words, I have the people who would extend their arms and hearts just to give me the support that I need.
And also, I’m with my mother,” ani Christian. Marami ang na-touch sa kuwento ni Christian tungkol sa yumao niyang ina dahil sa sakit na breast cancer. Kahit daw bading siya ay all-out ang support nito sa lahat ng ginagawa niya.
At naniniwala siya na kahit patay na ang kanyang ina ay patuloy pa rin siya nitong sinusubaybayan.
Bachelor of Secondary Education Major in Music, Arts, Physical Education7 and Health si Christian at tubong-Pampanga.
Aniya, kahit na bading siya, may mga babae pa ring nagkakagusto sa kanya. Sa katunayan, may nag-offer daw sa kanya na isang girl from Bicol na handang magbayad para lang anak niya. “Ang sabi ko po sa kanya, busy pa po,” natatawang sey ni Christian.
Pero aniya, posible pa rin naman daw siyang makipag-sex sa babae, “I would not say no, but I will not close my door.” Plano rin daw niya na magka-baby sa tamang panahon, “Everybody wants to have a baby who will extend our practices and beliefs as a responsible man po, of course, yes.”
Isa sa mga advocacy ni Christian na kanyang ipu-push kapag nanalo siya sa Mr. Gay World 2016 ay ang paghikayat sa netizens lalo na ang mga miyembro ng LGBT na magpa-AIDS test. May nagtanong kay Christian na kung bibigyan siya ng pagkakataon na maging isang female celebrity sa loob ng isang linggo, sino ang pipiliin niya? “Si Maine Mendoza po! I will use my money to give part of my money to Love Yourself.”
Ang Love Yourself ay isang organisasyon na tumutulong sa mga kabataan at mga miyembro ng LGBT. Isa sa mga proyekto na isinusulong ngayon ng Love Yourself ay, “To prevent the spread of HIV/AIDS among the youth and key affected population through awareness, counselling and education.”
Tinanong din si Christian tungkol sa kontrobersyal na issue kay Manny Pacquiao at sa LGBT. Aniya, sana raw ay lalong lumawak ang perspective ni Pacman sa LGBT issues bago raw magsalita ng mabibigat na salita.
Isang mabilis namang “No!” ang sagot nito sa tanong kung iboboto niya si Manny bilang Senador.
Samantala, sa panayam naman ng press kay Wilbert Tolentino, ang bagong National Director nga ng pageant, pagkatapos niyang ipadala sa Malta si Christian ay plano niyang magkaroon ng National Pageant ng Mr. Gay World Philippines sa July para panlaban niya next year.
Kailangan daw ito para magkaroon ng one year na training ang magiging kinatawan ng Pilipinas.
Sa palagay ba niya ready na si Christian na lumaban sa Malta? “Handang-handa na, kasi since January na makuha ko ‘yung contract sa Mr. Gay World, pinag-train ko na siya,” sey ni Wilbert.
“Actually, itong Mr. Gay World Organization ,eh, wala ka namang kikitain. Ang sa akin ay puso. Kailangan ay meron din tayong passion para maituloy ang magandang adhikain nito,” ani Wilbert.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.