Female celebrity bobang sumagot sa mga interbyu, manang-mana sa ateng emotera
SIGURO nga ay ngayon lang naiintindihan ng isang female personality ang kahalagahan ng edukasyon.
Hindi kasi niya pinahalagahan ang kanyang pag-aaral, paminsan-minsan lang siyang pumapasok, ibang tao ang gumagawa ng kanyang mga assignment at projects sa eskuwelahan.
Wala siyang hilig mag-aral, tamad na tamad siya, para sa kanya nu’n ay isang malaking abala ang paggising nang umaga para sa kanyang edukasyon.
Kuwento ng isang source na nakasaksi sa pag-aaral ng babaeng personalidad, “Kung sineryoso niya ang pag-aaral niya, e, di sana, hindi na siya nabubuking na boplax (read: boba) pala siya?
“Naalala n’yo ba nu’ng isalang siya sa isang malalimang interview nu’n? One-on-one pa naman ‘yun!
Kitang-kita ang pagkaboplax niya! Puro no comment ang sagot niya, kasi nga, hindi niya naman naiintindihan ang itinatanong sa kanya!
“Tamad kasi siyang mag-aral, idinadaan lang niya nu’n sa pangiti-ngiti ang lahat, mabuti nga at nakapasa pa siya sa high school, samantalang halos hindi naman siya nakikita du’n ng mga classmates niya!
“May drama pa siyang sa housing authority na lang siya nag-aaral, self-study kuno, pero ang totoo, hindi niya naman ginawa ‘yun! Ano tuloy ang nangyari? Halatang-halata ang pagiging bobita niya at project lang siya nang project na kunwari, e, may alam siya!” kuwento ng aming impormante.
Nasa huli na ang pagsisisi, kung alam lang siguro ng babaeng ito na mag-aartista siya nang mahabang panahon, binigyan din niya ng pagkakataon ang kanyang edukasyon.
“Pareho lang sila ng sister act niya na boplax, puro pagpapanggap lang ang ginagawa nilang dalawa.
Ihalo n’yo silang magkapatid sa malalimang interview at magmumukha silang ewan!
“Bradly Guevarra, okey na rin sanang boplax, huwag lang maging bastos, tama?” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.