AHAS: Lindol na, baha pa | Bandera

AHAS: Lindol na, baha pa

- January 04, 2013 - 07:35 PM

Ni JOSEPH GREENFIELD
Bandera resident psychic

Ikalawang serye
KASABAY ng lindol sa Mindanao babaha sa Kabisayaan at buong Metro Manila, sa Second Quarter at Third Quarter ng Taon, dulot ng rumaragasa at  napakalakas na bagyo sa buwan ng Hunyo hanggang Setyembre  sa mga petsang 4, 12, 13, at 17, sa araw ng Lunes, Martes at Huwebes.

Lalamunin ng malalaking alon ang mga sasakyang-dagat sa baybayin ng Manila Bay, Polilio Island sa Quezon, Batangas-Mindoro, Iloilo, Leyte at Samar.

Sa himpapawid isang pampasaherong eroplano ang biglang mag-aapoy at sasabog, sanhi ng terrorist hijackers.

Maraming pasahero ang sasambulat sa ere at magkakapira-piraso ang katawan.

Ito ay magaganap sa isang airport sa Mindanao, sa buwan ng Abril hanggang Mayo sa mga petsang 5, 6, 8, 17 at 22 sa araw ng Linggo, Lunes at Biyernes.Sa kalagitanaan ng taon, lulubog ang malaking bahagi ng Luzon sa pagputok at pag-apoy ng dalawang magkalapit na dam, ang Pantabangan sa Nueva Ecija at Angat sa Bulacan.

Milyong halaga ng mga pananim at ari-arian ng masisira at libu-libong buhay ang masasawi.

Muling mapapabalitang na-ospital ang Pangulo ng Bansa, ngunit sa pagkakataong ito imbes na ikaila, ibubunyag na rin sa publiko ang lumalalang karamdama ni P-Noy sa respiratory system at digestive sytem.

Sa taon ito, posible ring tamaan ang Pangulo ng matinding depression na bigla niyang ikawawala sa publiko, magdadahilan ang Malacanang na siya ay may sakit, pero hindi na pala pangkaraniwang karamdaman, kundi karamdamang pang sikolohikal na pala ang nararanasan ng Pangulo.

Ito ay magaganap sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto, sa mga petsang 1, 10, 14, 23, 4, 13, 22, 31, 3, 12, 21 at 30.

Mas maraming mamatay sa sakit na AIDS, bird flu virus, meningo coccemia, FMD,  dengue, pagkalason sa dugo at hangin at iba pang mahiwagang mga karamdaman sa taon ito, kasabay ng unti-unting pagkalipol ng populasyon dahil sa napipintong digmaan na magsisimula sa pagitan ng Karagatan ng Japan at China, at sa pagitan ng Karagatan ng Pilipinas at China.

Sa digmaang ito, dalawa ang magiging “front line” ng China, isa sa karagatang malapit sa Japan at isa sa karagatang malapit sa Pilipinas.

Dahil dito, maoobliga ang mga Chinese na gamitin agad ang kanilang high tech na submarino na may kargang nuclear bomb.

Magdidilim ang daigdig sa pagsabog ng napakalakas na nuclear bomb na biglang pakakawalan ng China.

Ito ay magaganap sa Second  Quarter ng taon, sa buwan ng Marso hanggang Hulyo sa mga petsang 1, 9, 17, 22 at 31, sa eksaktong araw ng  Linggo, Miyerkules at Sabado.

Ang lahat ng ito ay simula pa lamang ng mas malala at grabeng situwasyong lalong iigting sa pagtatapos ng taon 2013 at pagpasok ng susunod na taon 2014 hanggang 2016, sobrang maghihirap ang mundo, sa loob ng apat na singkad na taon, dahil sa mabilis na pagkalat at hindi na mapipigil na digmaan sa buong daigdig.

Sa panahong nabanggit,  ito ang magiging simula ng Battle of Armegeddon sa tubig, biglang babangon ang natutulog na dragon – ang China.

Wawasakin ng China ang kasalukuyang naghaharing sibilisayong “Europa-UN-American Axis” ito ay pahimakas ng napipintong pagkalipol ng “one third” ng populasyon at pagkagunaw ng umiiral na kalakarang panlipunan.

Matapos ang pagkawasak ng mundo,  nagbabadya naman ng panibagong bihis ng sistema at bagong simula ng sibilisasyon na mas makulay, mas maunlad at mas mapayapang daigdig sa taon 2017.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Itutuloy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending