Nancy Binay inakusahan si Mercado ng paggamit ng pera ng LP para sa pagka-casino | Bandera

Nancy Binay inakusahan si Mercado ng paggamit ng pera ng LP para sa pagka-casino

- March 07, 2016 - 12:50 PM

nancy-binay1-660x371
KINUWESTIYON kahapon ni Sen. Nancy Binay ang pagsusugal ni dating Makati vice mayor Ernesto Mercado na ayon sa kanya ay maaaring pinopondohan ni Liberal Party (LP).
Sa isang panayam sa mga mamamahayag sa Royce Hotel and Casino sa Clark, Pampanga, inakusahan ni Binay si Mercado ng pagka-casino gamit ang pera na umano’y ibinayad ng LP para siraan ang reputasyon ng kanyang amang si Vice President Jejomar Binay.

“You remember ‘Oplan Nognog,’ ang aim nila is to discredit the VP, so hindi malayo kasi saan naman kukuha ng pangsugal si Mercado? We’ve been getting reports na lagi siyang nagsusugal pero yung nangyari nung Sabado is a clear evidence na parati pa rin sya nagka-casino,” sabi ni Binay.

Naispatan si Mercado na nakadilaw sa pangangampanya ng pambato ng LP na si Mar Roxas sa coliseum sa Makati, na kilalang teritoryo ng mga Binay.
Sinabi ni Binay na maaaring nakikipagsabwatan si Mercado sa LP para matustusan ang kanyang pagsusugal.

“He needs to be replenished. Baka kaya nasa Makati Coliseum coliseum kasi kailangang magpa-replenish. Di ba natalo sya noong Sabado? Kaya magpakitang gilas muna siya doon,” dagdag ni Binay.

Nahuli ni Binay si Mercado noong Sabado habang papalabas sa Royce Hotel and Casino kung saan siya pinapaligiran ng mga security aide mula sa Witness Protection Program (WPP).

Nauna nang iniulat ng Inquirer na tinatayang aabot sa P300,000 ang natalo ni Mercado sa casino pa lamang.

Nakita rin ng kaalyado ni Binay na si dating Candaba mayor Jerry Pelayo si Mercado na papalabas ng Widus Hotel and Casino matapos ang pagsusugal sa Royce.

“Remember that hearing, mangiyak-ngiyak pa siya nagsabi dun sa Senate na yung mga nasa WPP, kawawa naman tulad daw nya na walang pinagkakakitaan na dahil wala ng hanap buhay dahil under nga dun sa WPP. Tapos maririnig mo na not once but twice pala sya nagcasino on that day,” dagdag ni Binay.

Idinagdag ni Binay na maaaring LP ang nagpopondo sa pagsusugal ni Mercado lalu na’t tumatakbo ang kanyang anak na babae sa ilalim ng LP.

“Saan siya kumukuha ng pangsugal nya nung nahuli syang nagsasabong? Saan niya kinuha ang pangsabong nagcacasino siya?Hindi maliit yung sinusugal nya na pera,” ayon pa kay Binay.

“Yun ang dapat tanungin tapos yung anak niya, tumatakbo din ngayon sa Makati mayor under Liberal Party. So ang pondo ba na pangcasino galing sa LP, since yung anak nya ay tumatakbo under LP?” dagdag ni Binay.

Tumatakbo ang anak na babae ni Mercado na si Karla Mercado bilang vice mayor ng Makati, ka-tandem si Makati mayor Kid Peña, na naunang pinalitan ang anak ni Binay na si Junjun matapos ma-dismiss ng Ombudsman kaugnay ng umano’y overpricing ng Makati car park building.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nahuli si Mercado sa paglipat-lipat sa casino matapos namang mangampanya ang United Nationalist Alliance (UNA) ni Binay sa Pampanga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending