Jessica Soho kinilala ang batang may 200 ngipin | Bandera

Jessica Soho kinilala ang batang may 200 ngipin

Ervin Santiago - March 06, 2016 - 02:00 AM

jessica soho

Isa na namang gabi ng pagtuklas ang matutunghayan sa Kapuso Mo, Jessica Soho tonight dahil tampok ang kaso ng batang may daan-daang ngipin, ang di umano’y nakabaong ginto sa Iloilo, ang Carrot Man ng Nueva Vizcaya, at iba pang mga paksang naging trending kamakailan.

Ang average na bilang ng mga ngipin ng batang nagpu-puberty ay nasa 28. Pero ang mga ngipin ng siyam na taong gulang na si Johncris, nasa humigit kumulang 200. Aalamin ng KMJS ang dahilan kung bakit tinubuan siya ng daan-daang mga ngipin.

Sa Iloilo, meron daw nakabaong mga ginto sa makasaysayang kapilya sa loob ng sementaryo ng San Joaquin. Sampung kalalakihan ang dinakip ng mga otoridad matapos mapag-alamang naghukay ang mga ito sa Campo Santo sa paghahanap ng kayamanan.

Alamin kung sino ang nag-utos sa kanila na mag treasure-hunting. Sa pagsikat ni Carrot Man, kung anu-ano na ang mga lumabas na meme nito at ng mga pilit siyang ginagaya. Pero si Marivic, may napansing kakaiba sa isang meme ng binansagang Carrot Man daw ng Nueva Vizcaya.

Ang lalaki nga ba sa Carrot Man meme ang anak ni Marivic na isang taon nang nawawala? Lahat ‘yan at iba pang nakakaaliw na kuwento ngayong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho after Ismol Family sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending