Grace di tinuruan ni FPJ na maghiganti sa mga kaaway | Bandera

Grace di tinuruan ni FPJ na maghiganti sa mga kaaway

Ervin Santiago - March 05, 2016 - 03:00 AM

GRACE POE AT FERNANDO POE JR.

GRACE POE AT FERNANDO POE JR.

KADALASAN ang ending ng mga maaksyong pelikula ni Da King Fernando Poe, Jr. noon ay ang kaniyang pambubugbog sa mga kontrabidang umapi sa kaniya at sa kaniyang mga kaibigan at kapamilya.

Sa katunayan, sa blockbuster hit na “Isusumbong Kita sa Tatay Ko,” matatandaan na nireresbakan ni FPJ ang mga taong umaapi sa anak niyang si Judy Ann Santos.

Ngunit hindi raw ganito ang pagpapalaki ni FPJ at ni Ms. Susan Roces kay Sen. Grace Poe, ayon na rin sa kumakandidatong pangulo ng bansa.

Ito ang siniguro ni Grace sa mga Cabalen sa Pampanga kahit ito ang baluarte ni dating Pangulong Gloria Arroyo na tumalo kay FPJ sa 2004 eleksyon na nabalot ng kontrobersiya dahil sa alegasyon ng malawakang pandaraya.

“Mga kababayan, sabi na rin ni Sen. Chiz (Escudero), ang kulay namin ay puti. Wala kaming kulay, dilaw man, pula o asul sapagkat lahat ng Pilipino saan mang panig ng Pilipinas, gaano man kalayo, kaaway man yan, kalaban man namin sa pulitika, lahat ng nangangailangan ay aming tutulungan,” sabi ni Grace sa mga Kapampangan.

“Hindi ako tinuruan ng aking tatay na maging benggatibo. Itinuro sa akin ng tatay ko, si FPJ, ay isang simpleng tao, totoo naging tanyag na artista, pero sa kanyang personal na kapasidad ay tumulong siya sa kanyang kapwa,” dagdag pa ng senadora.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending