‘Walang kasalanan si Ai Ai sa pagkamatay ni Wenn Deramas!’  | Bandera

‘Walang kasalanan si Ai Ai sa pagkamatay ni Wenn Deramas!’ 

Jobert Sucaldito - March 05, 2016 - 03:00 AM

AI AI DELAS ALAS

AI AI DELAS ALAS

IF I’m not mistaken, dadalhin ngayong araw ang mga labi ni Direk Wenn Deramas sa ABS-CBN compound para mabigyan ng tribute at misa – para na rin masilip ng ibang mga Kapamilya friends niya who didn’t have the chance na madalaw siya sa Arlington.

Don’t know lang kung kasama ang mga labi ng sister niyang si Wawa na kasama niyang nakaburol – same day kasi silang namatay.

Some friends are asking me kung dumalaw na raw ako sa burol ni Direk Wenn. Nope. Hindi po ako pumunta at ayokong pumunta dahil we’ve never been close naman. Yung away namin noon ay matagal nang lumipas and we’ve been civil na since then. Kahit hindi ko po siya gusto, nu’ng marinig kong pumanaw siya ay nalungkot din ako siyempre.

Nobody rejoices for someone’s demise. I said a little prayer for him and his departed sister the moment I heard the sad news. Pero hindi naman ako ipokrito para magpakitang-tao lang na makikilungkot sa kaniyang lamay. Okay na yung nagdasal na ako for the repose of his soul. Ayokong magpaka-plastic you know. I felt sad for him and his bereaved family. It’s not easy to lose a loved one.

I can imagine the feelings of those people dear to him sa kaniyang pagpanaw. Masakit talaga ang mamatayan lalo pa’t malapit sa puso mo ang pumanaw. I just pity our dear friend Ai Ai delas Alas who we know is one of Direk Wenn’s closest friends. Parang magkapatid na ang mga iyan.

Nagkaroon lang ng kulay ang relasyon nila dahil sa nakaraang MMFF 2015 kung saan naglaban sa takilya ang pelikulang “My Bebe Love” starring Ai Ai and Bossing Vic Sotto at “Beauty and the Bestie” nina Vice Ganda and Coco Martin directed by Direk Wenn. Nagsalita kasi si Ai Ai na nandaya ang Star Cinema sa huling MMFF, ang totoo raw kasing number one sa takilya ay ang “My Bebe Love” at hindi ang entry nina Vice at Coco.

Nagtampo raw si Direk Wenn kay Ai Ai pero hindi naman to the point na nag-away sila. And for sure ay nakapag-usap na ang dalawang iyan kasi right after that MMFF brouhaha ay wala na namang lumabas na sagutan between them.

Ang siste, itong mga netizens, talagang pinag-aaway pa rin sila despite the fact na wala na si Direk Wenn. Pinipilit nilang isisi kay Ai Ai ang pagkamatay ng kaibigang direktor. May mga nagsasabing napakaplastik raw ni Ai Ai na paiyak-iyak pa sa pagpanaw ni Direk Wenn. Siyempre, nasaktan naman ang mga malalapit kay Ai Ai sa mga tirada ng mga basher. Bakit daw isisisi nila kay Ai Ai ang pagkamatay ni Direk Wenn?

Hindi naman siya ang dahilan in the first place – hindi naman namatay si Direk Wenn in the middle of the away nila ni Ai Ai, ‘no! Mabuti sana kung namatay siya habang nagsasabunutan o nagsusuntukan sila, ibang usapan na iyon. Ang ikinamatay ni Direk Wenn ay atake sa puso dahil hindi nakayanan ang pagkamatay ng kaniyang kapatid na babae kaya anong logic para sisihin si Ai Ai?

Huwag naman silang cruel kay Ai Ai. Give her the chance to mourn naman for her friend – huwag nga kayong mga gamol. Kaloka kayo! Inaano ba kayo ni Ai Ai? Hmp!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending