Bongbong umarangkada, 'statistically tie' na kay Escudero | Bandera

Bongbong umarangkada, ‘statistically tie’ na kay Escudero

- March 04, 2016 - 01:20 PM

PATULOY na umarangkada si Senador Bongbong Marcos  sa pinakahuling survey ng Pulse Asia para sa pagkabise-presidente, at ngayon ay “statistically tie” na sa nangungunang si Senador Francis Escudero.

Nakakuha si Escudero ng 29 porsyento habang si Marcos ay nakakuha naman ng 26 porsyento, sa isinagawang survey ng Pulse Asia nitong Pebrero 15 hanggang 20.

Bumaba si Escudero ng apat na puntos mula sa 33 porsyento na nakuha nito sa survey ng Pulse Asia noong Enero.  Umani naman ng tatlong porsyento si Marcos na nakakuha noon ng 23 porsyento.

Nasa ikatlong pwesto ang katandem ni Mar Roxas na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo, ng 19 porsyento mula sa dating 18.

Nasa ika-apat naman si Senador Alan Peter Cayetano na may 12 porsyento, at sinusundan naman ni Senador Antonio Trillanes na may anim na porsyento at  Senador Gringo Honasan na may apat na porsyenteo.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending