Si Nora Aunor ang itinanghal na Best Actress at wala naman talagang kuwestiyon sa kanyang kagalingan bilang artista na kanyang ipinakita sa “Thy Womb”.
Ang panalo ni ate Guy ng Best Actress award ay nakasabay naman ang intrigang ipu-pullout ang pelikula nito sa mga sinehan dahil konti lamang daw ang nanonood.
But artist that she is, ate Guy is UNFAZED by it, “Kahit kaunti lamang ang manood sa mga pelikula ko, patuloy pa rin akong gagawa ng makabuluhang pelikula.
Maski ako ang mag-produce,” sabi ng nag-iisang Superstar.
To that, we say BRAVO! Only a conscientious artist will dare say that.
Iba talaga ang pagpapahalaga ni Nora sa kanyang sining.
And to those saying na kaya ibinigay ang award kay Nora ay dahil veteran na ito, sorry na lang kayo because no matter what you do, no matter what you say, it all boils down to one thing – INGGIT.
How can someone question Nora’s winning when in the past MMFF awards night ay pitong beses na siyang nanalo, ang isa pa nga ay BEST PERFORMER kung saan walang Best Actress o Best Actor. Imagine, labu-labo ang laban pero tinalo ni ate Guy ang lahat ng nominees, mapa-actor or actress man.
SIYA lang ang nakagawa niyan, ha.
Naaliw kami sa isang @jingdalagan na super depensa kay Ate Guy, “Sa mga nagsasabing matanda na si Nora Aunor para manalo ng award, buti pa siya may pinagkatandaan.
Eh kayo?#peace!” sabi niya.
Oo nga naman.
And will they ever be better than Nora, acing-wise? NEVER!!!
Nobody comes close to Nora’s NUANCED performances.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.