KAHIHIYAN na lang siguro sa MMFF kung hindi nila pinanalo si Superstar Nora Aunor sa pagka-Best Actress nitong nakaraang awards night hindi lang dahil she won some international recognition sa performance niya sa pelikulang ito but people believe na isa itong pambalanse sa ilang alingasngas na ginawa ng filmfest jurors sa ibang rightful contenders na ibinigay sa iba.
Hindi na kami nakarating sa Meralco Theater kung saan ginanap ang awards night last Dec. 27 dahil naka-board kami sa “Mismo” program namin sa DZMM that night. In-update na lang kami ng mga kasamahan namin sa industriya through text.
Blow by blow ay natatanggap namin ang names ng winners and ilang kaganapan sa loob ng teatro.
“Male Star of the Night si Erap while Female Star of the Night naman si Nora. Nakakatuwa dahil lumapit si Mama Guy kay Erap para bumeso. Palakpakan ang mga tao,” anang isang kaibigan namin na nakapanood ng seremonyas.
“Bakit merong 5 Star Celebrity of the Night na napanalunan nina Zanjoe Marudo and Bianca King?
Mas mataas ba iyon sa Female and Male Star of the Night?” tanong ng aming friend.
“Merong kompanyang nag-sponsor ng award na iyon.
Echos-echos lang iyon dahil sponsored yun.
Kumbaga, nagbayad sila sa producers para ma-expose that night.
Special citation lang iyon,” paliwanag naman ng isa.
Sineryoso kasi niya ang 5 Star Celebrity of the Night – akala niya, ang recipients noon ay mas sikat pa kina Erap at Nora.
Whew! Pati ba naman ito kinarir pa ng friend namin? Ha-hahaha!
Pinakamaraming natanggap na parangal that night ay ang “El Presidente: The Gen. Emilio Aguinaldo Story” ng Scenema Concept International starring Laguna Gov. ER “Jeorge Estregan” Ejercito.
Nanalo ito ng Best Float, Best Musical Score, Best Theme Song, Best Sound, Youth Choice Award, Best Make-Up, Best Supporting Actor (Cesar Montano) and 2nd Best Picture.
Nanalo naman ang “Thy Womb” ng Gatpuno Villegas Cultural Award, Best Actress (Nora Aunor), Best Director (Brillante Mendoza), Best Original Story, Most Gender-Sensitive Film and Best Cinematography.
Nanalo naman ang “One More Try” ng Best Picture, Best Actor (Dingdong Dantes) FPJ Memorial Award and Best Screenplay. At ang “Sisterakas” ay nanalong 3rd Best Picture.
Talagang dumagundong ang venue nang basahin daw ang pangalan ni Ms. Nora Aunor as Best Actress by no less than former President Joseph Estrada himself.
“Nakakatawa po si Erap sa pagbasa ng nominees.
Pagdating kay Mama Guy, sabi niya di raw niya mabasa.
Grabe ang suspense na ginawa niya at nang sabihin na niya ang winner, sabi niya ulit, di raw niya mabasa ang name.
Iyon pala si Mama Guy na!” kuwento naman ng isang friend.
Hindi kaya nag-rekindle ang feelings ni Erap kay Mama Guy that night? Charrrossssss!
“Teka lang, bakit hindi man lang nakakuha ng kahit 3rd Best Picture ang Thy Womb samantalang nakuha na nito ang ilan sa major awards? Natalo pa sila ng Sisterakas? Imposible naman iyon.
Ano iyon? Pinagbigyan na naman nila ang pelikula ni Kris Aquino?
Halata na!” anang isang kritiko na bwisit na bwisit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.