Marami rin ang nagulantang nang matalo na naman ni Dingdong Dantes si Gov. ER sa pagka-Best Actor gayong di-hamak na mas magaling naman si ER sa kanya and his role as a historical figure is much harder than the drama scenes of DD.
“One More Try is a nice film, maganda naman.
But in all fairness, it’s more of Angel (Locsin) and Angelica’s (Panganiban) film.
Magaling ang dalawang babae. Dingdong is not really good here. Kaya nagulat ako nang tawagin siya as Best Actor.
Obviously, napulitika na talaga nila ang category na ito.
Two in a row na magkalaban sina Dingdong and ER at laging talo si ER. Doon pa lang, mababasa mo na.
“You know naman kung gaano ka-close sina Dingdong and P-Noy, di ba?
Ambassador ni P-Noy sa youth ek-ek iyang si Dingdong kaya sobrang lakas ng kapit niyan,” sabi ng isang friend namin.Ayokong mag-comment dahil baka sabihin nila nagsa-sourgrape lang tayo.
Pero may pahabol na palaisipan ang ating kausap, “Hangga’t presidente si Noynoy till 2016 ay si Dingdong ang palaging Best Actor.
Kasi this early ay may nagbulong na sa amin na meron na namang nakalaang MMFF project ang Star Cinema sa kanya next year.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.