Mga lihim ni Wenn Deramas ibabandera sa librong 'Direk 2 Da Poynt' | Bandera

Mga lihim ni Wenn Deramas ibabandera sa librong ‘Direk 2 Da Poynt’

Ervin Santiago |February 29,2016
facebook
share this

Mga lihim ni Wenn Deramas ibabandera sa librong ‘Direk 2 Da Poynt’

Ervin Santiago - February 29, 2016 - 08:08 PM

ILANG linggo bago pumanaw ang Box-Office director na si Wenn Deramas, “nagparamdam” na siya sa kanyang social media followers na may bago siyang “baby” na ipanganganak ngayong Marso.

Naglabas kasi ng teaser si direk Wenn sa kanyang Instagram account four weeks ago tungkol sa susunod niyang proyekto after ng blockbuster at record-breaking MMFF 2015 entry nilang “Beauty And The Bestie”.

Sey ng direktor, “Ngayong first week na ng March ang labas! Sure na!” na ang tinutukoy nga ay ang kanyang biography na matagal din niyang binuo. Ito ay may titulong “Direk 2 Da Poynt.”

Sa pagkakatanda namin, sinabi ni direk Wenn na one-and-a-half years niya natapos ang kanyang biography. Aniya, sana’y marami siyang ma-inspire na kuwento ng buhay niya.

“Buong buhay ko ang nasa libro. Lahat ng mga hindi nila alam. Lahat ng mga haka-haka nila tungkol sa akin. Pati love life, binigay ko,” ang sabi ng yumaong direktor sa isang panayam noon. Sinabi pa niya na pinangalanan din niya sa libro ang ilan sa mga naging karelasyon niya.

Pumanaw si direk Wenn kaninang umaga matapos ma-cardiac arrest. Inatake sa puso ang Kapamilya direktor nang hindi makayanan ang pagkamatay ng kanyang kapatid na inatake rin sa puso kaninang madaling araw.

Bago maging sikat na direktor, nag-waiter muna si direk Wenn sa isang restaurant at nag-try din sa sales job sa isang multinational company na nagsara na rin. Sa larangan naman ng media, una siyang nagtrabaho sa ABS-CBN para sa programang Tatak Pinoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending