HINDI na hinintay ng Nationalist Peoples Coalition ang desisyon ng Korte Suprema at pormal nang inendorso sina presidential candidate Sen. Grace Poe at running mate nitong si Sen. Francis Escudero.
Sa press conference Lunes ng hapon, inanunsyo ni House deputy speaker Giorgidi Aggabao, pangulo ng NPC, ang kanilang pagsuporta sa mga kandidato ng Partido Galing at Puso.
Inaasahan ni Aggabao na susunod sa desisyon ng partido ang 90 porsyento ng kanilang mga miyembro at kukumbinsihin nila ang nalalabing 10 porsyento na sumunod gaya ni dating Tarlac Rep. Mark Cojuangco na nauna ng nagpahayag na susuportahan niya si Vice President Jejomar Binay.
Ang NPC ang ikalawa sa pinakamalaking miyembro ng NPC. Mayroon silang 4,129 kandidato sa darating na halalan.
Ang negosyanteng si Danding Cojuangco ang nagtayo ng NPC noong 1991 bilang paghahanda sa pagtakbo nito sa pagkapangulo noong 1992.
Si Cojuangco ay tiyuhin ni Pangulong Aquino.
Ayon kay Aggabao ibubuhos ng NPC ang kanilang makinarya kina Poe at Chiz.
“After many months of meetings and consultations amongst its members, the Executive Committee has deemed it appropriate to recognize and adhere to the great majority of its member’s wishes,” ani Aggabao.
Sinabi ni Aggabao na lalong tataas ang rating ni Poe kapag nagpalabas ng paborableng desisyon ang SC sa disqualification case nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending