Tubero mula sa Baguio City wagi ng P7M sa 6/42 Lotto | Bandera

Tubero mula sa Baguio City wagi ng P7M sa 6/42 Lotto

Leifbilly Begas |February 29,2016
facebook
share this

Tubero mula sa Baguio City wagi ng P7M sa 6/42 Lotto

Leifbilly Begas - February 29, 2016 - 12:49 PM
ISANG tubero na taga-Baguio City ang nanalo ng P7 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 noong Pebrero 6. Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, isa lang ang nakakuha  ng mga numerong 14-35-37-9-21-17. Ang nanalo ay 56-taong gulang, may-asawa at apat na anak. Kinuha ng nanalo ang mga numero sa kaarawan ng kanyang mga mahal sa buhay. Siya ay tumataya mula pa noong 1996. Nagkakahalaga ng P40 ang taya niya ng manalo. Plano niyang bumili ng sariling bahay at lupa. Magtatayo rin siya ng sariling maintenance service provider.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending