Matutuloy bang mag-D.H. sa Hong Hong? | Bandera

Matutuloy bang mag-D.H. sa Hong Hong?

Joseph Greenfield - February 29, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Inday ng Matabao, Buenavista, Agusan del Norte
Dear Sir Greenfield,
Ako ay isang single mom at ako lang mag-isa ang bumubuhay sa three years old kong anak sa pagkadalaga. Kaya upang mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang a-king kaisa-isang anak nahikayat akong mag-aplay sa Hong Hong bilang D.H. Sa ngayon ay nasa Hong Kong na ang kumare ko na D.H din doon at siya ang tumutulong sa akin upang makapunta ako sa Hong Kong, kasi nangangaila-ngan pa daw ng isang kasambahay ang kanyang amo. Tanong ko lang sana ay kung may pag-asa kaya akong maging D.H. sa Hong Kong, nakatapos naman ako ng high school, kaya qualified naman daw ako sabi ng kumare ko at siya na daw ang bahala sa gastos bayaran ko na lang daw siya kapag nandon na ako. November 19, 1986 ang birthday ko. Matutuloy kaya ako sa abroad at kailan kaya ito mangyayari kung sakaling matuloy ako?

Umaasa,
Inday ng Agusan del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Buti na lang at may maganda at malinaw na Travel Line sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin sa malapit na hinaharap basta’t lagi ka lang magdasal at magsikap na maka-alis, darating ang saktong panahong matutupad mo rin ang iyong pangarap na makapag-abroad at maging D.H. sa Hong Kong.
Cartomancy:
Six of Clubs, Six of Diamonds at Seven of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2016 hanggang 2017 matutupad ang pangarap mong maging Domestic Helper sa bansang Hong Kong na posibleng maganap sa buwan ng Hunyo o kaya’y Hulyo, sa edad mong 29 pataas.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending