Horoscope, February 29, 2016 | Bandera

Horoscope, February 29, 2016

Madam Sophia - February 29, 2016 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Upang yumaman, sa pag-ibig at pakikipag-relasyon, kung ano ang unang ma-isip ipatupad agad. Ang pagdadalawang isip ay walang maitutulong na mabuti sa i-yong buhay. Sugod lang ng sugod ang kailangan! Bukod sa 5, 14, at 23, mapalad din ang 8, 18, 27 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pulkasa-Namah-Om.” Green at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Maging maingat sa bawat desisyong ipapatupad. Sa taong ito ng 2016 mag-isip munang mabuti bago mag-invest ng malaking halaga. Sa pag-ibig, iwasang manaig ang immoral na relasyon upang hindi ka mapahamak. Mapalad ang 3, 17, 27, 38, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Pink at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Papatnubayan ng langit ang bawat kilos na iyong ipapatupad, gawin mo na ngayon ang lahat ng iyong mga binabalak, sa buwan ng Mayo may positibong resultang mangyayari. Sa pag-ibig tuloy ang pakikipag-relasyon sa isang Virgo. Mapalad ang 6, 10, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Maroon at beige ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Walang mahihita sa kafe-Facebook at pakikipag-kuwentuhan, pagkilos ang dapat upang umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, giniginaw ang minamahal, mamayang gabi yakapin mo siya. Mapalad ang 5, 14, 26, 37, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Visnu-Om.” Gold at orange ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Panahon na upang pag-ukulan ng pansin ang sariling kalusugan. Iwasan ang bisyo at mga pagkain nakakasama sa kalusugan. Sa ganyang paraan hahaba pang lalo ang iyong buhay. Sa pag-ibig, masarap isipin na magkasama pa rin kayo ng iyong minamahal hanggang abutin kayo ng pagtanda. Mapalad ang 2, 16, 25, 35, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Sutra-Om.” Pink at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Panahon na upang lumabas sa lipunan, sa mga social at political gathering na aattenand, malaking kapakinabangan ang iyong matatanggap. Sa pag-ibig mag-ipon ng maraming pera upang sa darating na summer vacation maipasyal sa malayong lugar ang kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 4, 17, 27, 35, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Harin-Aum-Haram.” Green at purple ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Suwerte ka sa silver na alahas, ito ang aakit ng buenas sa larangan ng material na bagay. Sa pag-ibig, susuwertehin ka sa kasuyong isinilang sa zodiac sign na Libra o kaya’y Taurus, sa kanya matatagpuan ang masarap na romansa at true love. Mapalad ang 5, 9, 23, 31, 37, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Anilam-Artam-Om.” White at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—May babala ng karamdaman. Makinig ng paborito mong musika upang umaliwalas ang pakiramdam at mamasyal sa parke na maraming halaman at mga bulaklak. Isa-isang magbabalik sa ala-ala ang masasayang lumipas. Sa pinansyal aangat ang income. Mapalad ang 6, 18, 27, 30, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agne-Aum-Manu-Om.” Bukod sa red ang pink ay buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Sa pag-ibig, magtipid at mag-ipon ng mara-ming pera upang mapaghandaan ang future ng iyong pamilya. Hindi dapat maging lustay at magastos, na sa bandang huli ay pagsisihan mo naman. Mapalad ang 7, 13, 22, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Yellow at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag kang masyadong maging makasarili, aanihin mo ang limpak-limpak na salapi kung pupulaan ka naman ng iyong mga kapit-bahay at sariling pamilya? Ituloy ang pagiging mabuti at galante sa mga taong nakapaligid sa iyo upang lalo ka pang pagpapalain ng tadhana. Mapalad ang 3, 6, 24, 33 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krato-Joviyo-Om.” Violet at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pinansyal, doblehin ang investment sa mga kalakal na napapanisn mong kumikita, likas kang negosyante kaya malaki ang pag-asa mong yumaman pagdating ng tamang panahon. Sa pag-ibig nababagot na at nababato na sa iyo ang kasuyong Cancer, i-date mo naman siya sa isang malamig at tahimik na silid. Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 39 at 489. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mayena-Patrena-Om.” Orange at lilac ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Tandaang hindi paramihan ng kaibigan ang labanan, kung puro naiingit at sinisiraan ka lang nila. Mas mainam na ang kokonti ang kaibigan pero nasa kanila naman ang pagmamahal sa iyo at katapatan. Wag makipag-plastikan kung kanikanino upang magkaroon ka ng tunay na ligaya at peace of mind. Mapalad ang 1, 19, 28, 31, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Param-Prana-Prisada-Om.” Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Kulang ka sa libido! Lagyan ng libog ang anomang ginagawa. Sa pananalapi, lagya ng lambing ang pag-aalok ng kalakal. Sa pag-ibig, landiin ang minamahal upang muling uminit ang relasyon. Mapalad ang 7, 16, 34, 39, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Kurvan-Adhenan-Janan-Om.” Green at maroon ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending