Hacker ng IG account ni Maine nag-sorry matapos burahin ang mga litrato
HABANG isinusulat namin ang balitang ito ay maaaring naibalik na kay Maine Mendoza ang na-hack niyang Instagram account.
Nag-sorry na kasi ang hacker ng kanyang account matapos ang ilang oras na pagkakatanggal ng mga litrato at mensaheng naka-post sa IG ni Yaya Dub na talagang ikinabwisit ng AlDub Nation.
Sa huling pagsilip namin sa IG account ni Maine kahapon nananatili pa ring 2.2 million ang kanyang followers at isa na lang ang pina-follow nito — ang kanyang ka-loveteam na si Alden Richards.
Sa biography section naman ng IG account ni Maine ay may nakasulat na: “I will put your email so res(e)t the password, i know i’m wrong i’m sorry.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.