Sa ikalawang pag-aabroad uunlad (2)
Sulat mula kay Cirilo ng Magsaysay St., Miputak, Dipolog City
Problema:
- Taong 2015 ng ako ay umuwi galing sa Korea at nakaipon ng kaunting pang-negosyo. Ang kaso naubos ang lahat ng ipon ko ng magkasakit ako at ma-confined. Buti na lang naagapan ng mga doctor ang sakit ko at ngayon malakas na uli ako. Kaya lang sa tuwing maiisip kong natunaw lang dahil sa pagkakasakit ko ang aking mga naipon at nalugi pa ang negosyo, naluluha ako sa sinapit kong kapalaran. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa, dahil bata pa naman ako sa edad na 32.
- Nag-aaplay uli ako sa dati kong kumpanya at nasa proseso na ang mga papeles ko kaya lang natatagalan ako sa pangako nila na kukuninin nila uli ako sa sandali daw may nabakante uli sa dating posisyon ko. Itatanong ko lang po sana Sir Greenfield kung muli ba akong makapag-aabroad at maibabalik ko ba ang mga nawala sa akin, ang aming lupa at bahay at ang muti kong negosyong pautangan. October 17, 1983 ang birthday ko. At ang isa ko pang tanong ay kung may pag-asa kaya akong yumaman, pangarap ko kasi ang yumaman at kung ako ay yayaman kailan naman kaya ito matutupad?
Umaasa,
Cirilo Dipolog City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ay nagsasabing pagkatapos mong muling makapag-abroad, tulad nuong una mong pangingibang bansa, muli kang makakaipon ng maraming-maraming pera, sapat upang sa iyong pagbabalik sa ating bansa ay muli kang makapag-negosyo ng may kaugnayan sa pagkain at iba pang likidong kemikal. Sa nasabing mga produkto ka uunlad at yayaman.
Numerology:
Ang birth date mong 17 ay nagsasabing pagtuntong mo ng edad 50, maraming mga lupain kang mabibili, makakabili ka rin ng bukirin at makapagnenegosyo ka rin ng may kaugnayan sa bigas, palay at iba pang produktong butil. Sa panahong iyon lalo ka pang yayaman.
Luscher Color Test:
Mapalad mong kulay ang lahat ng uri ng berde o green. Lagi kang gumait ng nasabing kulay, upang tuloy-tuloy kang pagpalain ng tadhana,
Huling payo at paalala:
Cirilo ayon sa iyong kapalaran, sa edad mong 32 pataas, ngayon na ang panahong upang maka-recover ka sa kahirapan at mga pagsubok na iyong sinapit nitong mga nagdaang taon. Tama ang ginagawa mong muling pag-aaplay sa abroad, dahil sa taon ding ito ng 2016, muli kang makapangingibang bansa, upang pagsapit ng taong 2029, sa edad mong 46 pataas, unti-unti ka na uling umunlad, hanggang sa sumapit ang taong 2033 sa edad mong 50 pataas, tulad ng nasabi na, sa panahong tinuran, mayamang-mayaman ka na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.