Mga karangalang ibinigay ni Pacquiao sa Pinas nabalewala | Bandera

Mga karangalang ibinigay ni Pacquiao sa Pinas nabalewala

Cristy Fermin - February 19, 2016 - 03:00 AM

MANNY PACQUIAO

MANNY PACQUIAO

KUNG ilang araw pa ay magiging mata pa rin ng bagyo ang Pambansang Kamao. Makakabasa pa rin siya ng mga salitang halos magsumpa na sa kanya sa social media, hindi pa siya tatantanan ng mga bashers kung ngayon lang, mahaba-haba pa ang kanyang magiging penetensiya.

Ganu’n talaga kasensetibo ang mga Pinoy, kapag tinatapakan na ang kanilang karapatan ay umaalma ang ating lahi, siguradong babakbakan natin ang mga taong sa palagay nati’y mapagmalinis.

Sa isang iglap, nakalulungkot man, ay parang biglang nabura ang alaala ng mga makabuluhang kontribusyong naiambag niya sa ngalan ng ating bayan.

Ang pagiging kampeong boksingero niya ay naisantabi, mas lumutang ang isyu ng masakit niyang pagkukumpara sa tao sa hayop, ang pagsusulat niya sa pangalan ng Pilipinas sa mapa ng mundo ay biglaang nabura.

Sana, sa susunod, ay meron nang umalalay kay Congressman Manny Pacquiao sa pagsagut-sagot sa mga tanong sa kanya. Hindi ‘yun maiiwasan, lalo na ngayong kumakandidato siya sa pagka-senador, idagdag pa na nalalapit na ang muli nilang pagsasalpukan ni Timothy Bradley.

Magkaroon sana ng isang team si Manny kung saan ang tanging gagawin ng mga ito ay ang turuan ang Pambansang Kamao sa pagsagot sa mga tanong na wala siyang tahasang masasaktan at masasagasaan.
Hindi niya naman kailangang maging plastic, puwede pa rin niyang ilabas ang tunay niyang saloobin, pero sa isang proseso nang maiintindihan siya ng publiko at hindi uupakan pagkatapos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending