Jane sumusumpa: Magkaibigan lang talaga kami ni Jeron!
Mukhang tinuldukan na nga ng Kapamilya teen star na si Jane Oineza ang relasyon nila ng sikat na basketball player na si Jeron Teng.
First time nagsalita si Jane sa harap ng entertainment press tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Jeron matapos ngang mapabalita na break na sila kahit hindi pa naman nila formally inaamin ang kanilang relationship.
Sa presscon ng latest offering ng Star Cinema na “Always Be My Maybe”, sinabi ni Jane na friends pa rin sila ng cager from De La Salle University. Ayon sa dalaga, may kanya-kanya raw silang priorities ngayon at hindi pa kasama rito ang magkaroon ng seryosong commitment sa isa’t isa.
“Yes, friends kami ngayon, okay naman kami. Busy kasi din siya, busy din ako. Gusto nga muna naming mag-focus sa careers namin at saka, ayun finals din (ng UAAP), last year na yata niya or last two years, I’m not sure,” chika ni Jane.
Nang tanungin kung bakit hindi pa nagle-level up ang relasyon nila ni Jeron gayung palagi naman silang nakikitang magkasama. Sa katunayan lagi siyang nanonood ng mga laro ni Jeron.
“Lagi din kasi akong nagsusupport sa games niya and all Friends lang kami, walang maybe. Sure (na) we’re friends,” aniya pa. In fairness, karamihan sa fans ni Jane ay botong-boto naman kay Jeron.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.