MAY dalawang linggo rin po ang tatay ko na confine sa hospital dahil ang sabi po ng doctor ay may kumplikasyon sa baga dala na rin siguro ng paninigarilyo at pag-inom ng alak at after a week ay pinalabas naman po siya ng hospital. Marami rin pong kinakailangang gamot kaya ang sabi niya ay mag-aplay na lamang ng sickness benefits sa SSS, bagay na agad ko naman pong ginawa. Kaya lumapit na rin po ako sa inyong column na Aksyon Line dahil gusto ko po sana na malaman sa SSS kung naaprubahan na po ang kanyang sickness benefits. Sana agad na masagot ang aming katanungan. Salamat po at sana ay marami pang matulungan ang inyong pahayagan. Eto po ang SSS number ni Elizar O. Bades ….5715
Joan Bades
REPLY: Para sa iyong katanungan Miss Joan para sa iyong ama hinggil sa sickness benefits na sinasabi mo na iyong nai-file sa SSS, lumalabas sa aming record na wala pang nai-file na sickness benefits application.
Bukod dito, lumalabas din na wala kahit na notification na nag-file ng sickness benefits para sa iyong ama.
Pinapayuhan po natin si Ms. Joan na bumalik sa sangay ng SSS kung saan nag-file ng SSS sickness benefits at alamin ang status nito.
Ang sickness benefit ay daily cash allowance na binabayaran kung ilang araw hindi nakapag trabaho ang isang miyembro dahil sa sakit o injury.
Ang sinumang miyembro ay kwalipikado sa benepisyo sa mga sumusunod:
-He is unable to work due to sickness or injury and is thus confined either in the hospital or at home for at least four days;
-He has paid at least three monthly contributions within the 12-month period immediately before the semester of sickness;
-He has used up all current company sick leaves with pay for the current year;
-He has notified his employer or the SSS, if he is a separated, voluntary or self-employed member.
Maraming salamat.
Ms Lilibeth Suralvo
Senior Officer, Media
Affairs Department
Social Security System
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.