Grace Poe: Hindi ako 'secret candidate' ni PNoy | Bandera

Grace Poe: Hindi ako ‘secret candidate’ ni PNoy

Leifbilly Begas |February 11,2016
facebook
share this

Grace Poe: Hindi ako ‘secret candidate’ ni PNoy

Leifbilly Begas - February 11, 2016 - 03:23 PM

MARIING itinanggi ng presidential aspirant ng Partido Galing at Puso na si Sen. Grace Poe na siya ay secret candidate ni Pangulong Aquino.

Ito ay matapos mapabalita na inimbitahan ni Aquino si Poe sa kanyang kaarawan noong Lunes sa Bahay Pangarap, isang bagay na hindi naman itinanggi ng senadora.

Bagamat nananatili anya siyang kaibigan ni Aquino, hindi pa rin siya ang inendorso nito sa presidential race kundi ang kalaban na si Mar Roxas.

“Kung secret man ‘yun, talagang secret dahil hindi ko naman alam ‘yun,” ani Poe.

Ayon kay Poe hindi lihim na si Aquino ang nagtalaga sa kanya sa puwesto bilang chairman ng Movies Television Review and Classification Board.

“At hanggang sa huli ng aming mga pag-uusap, ipinadama ko naman sa kanya ang aking pasasalamat at pagsabi rin na inspirasyon ko ang sinasabi niya na dapat walang tiwali sa gobyerno,” ani Poe.

Malinaw umano kay Poe at Aquino ang kanilang pagnanais na matulungan ang bayan kaya ‘walang pagbabawas ng aming pagiging magkakaibigan’.

Sinabi rin nito na hindi dapat bigyang-kulay ang pagtungo niya sa kaarawan ng pangulo.

“Yun naman talaga yung aking… pag may pagtitipon doon, palagi naman kaming iniimbitahan. Ang maganda sa aming relasyon ng pangulo, magkaibigan kami pero ginagawa namin kung ano sa tingin namin yung nararapat sa aming trabaho. Ginagalang namin ang sari-sariling opinyon, hindi man kami magkapareho sa lahat ng pagkakataon, pero hindi naman namin pinepersonal ‘yun.”

 

 

No Matter How Bad Yesterday Was,

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

It Is Now Part Of The Past

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending