PNoy ikinampanya sina Mar-Leni sa Capiz, Iloilo | Bandera

PNoy ikinampanya sina Mar-Leni sa Capiz, Iloilo

Bella Cariaso |February 09,2016
facebook
share this

PNoy ikinampanya sina Mar-Leni sa Capiz, Iloilo

Bella Cariaso - February 09, 2016 - 05:12 PM

mar

PAVIA, ILOILO- Sinamantala na ni  Pangulong Aquino ang pagkakataon para ikampanya ang mga pambato ng Liberal Party (LP) na sina dating Interior secretary Mar Roxas at Camarines Sur Rep. Leni Robrero habang pinapasinayaan ang mga proyekto sa Capiz at Iloilo.

“Kung nagtiwala nga po kayo sa akin noong 2010, magtiwala po sana kayong muli sa akin ngayon. Mayroon po tayong mga kasamahang hindi baka, kundi siguradong magtutuloy at magpapalawak sa Daang Matuwid: Sina Mar Roxas at Leni Robredo.

Samahan po natin sila; iangat po natin sila. Sa huli, nasa mga kamay muli natin ang magandang kinabukasan ng bansa,” sabi ni Aquino sa kanyang talumpati matapos ang pagpapasinaya ng
Juncrion National Road Mianay-Duyoc-Calaan-Panitan Road sa Barangay Duyoc, Dao, Capiz.

Ipinagmalaki ni Aquino na malayo na ang narating ng bansa sa mahigit limang taon ng kanyang panunungkulan. “Pero malinaw po: Simula pa lang ito. Sa darating na Mayo, haharap muli sa sangandaan ang Pilipino.

Ang tanong: Didiretso ba tayo, at itutuloy ang magaganda nating nasimulan? O sasayangin ba natin ang lahat ng ating pinaghirapan, at kakabig pabalik sa baluktot na sistema at lumang kalakaran?” ayon pa kay Aquino.

Sa Iloilo, ginamit din ni Aquino ang pagkakataon para ikampanya sina Roxas at Robredo matapos namang pasinayaan ang P43 milyon halaga na tatlong palapag na 18-silid aralan na bagong gusali ng Pavia National High School na pinondohan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending