John Lloyd, Jennylyn magsasama sa bagong pelikula ng star cinema Bandera

John Lloyd, Jennylyn magsasama sa bagong pelikula ng star cinema

Ervin Santiago |February 09,2016
share this

John Lloyd, Jennylyn magsasama sa bagong pelikula ng star cinema

Ervin Santiago February 09, 2016 - 02:00 AM

john lloyd cruz

SO, kumpirmado nang magsasama sa pelikula sa kauna-unahang pagkakataon ang Kapamilya Box-Office King na si John Lloyd Cruz at ang Kapuso award-winning actress na si Jennylyn Mercado.

Ito ang ibinalita kahapon ni Star Cinema’s advertising and promotions manager Mico Del Rosario sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Ipinost nito ang isang litrato kung saan makikitang magkasama sina John Lloyd at Jennylyn. Nilagyan niya ito ng caption na: “ATM: shooting now: John Lloyd Cruz and Jennylyn Mercado for their upcoming movie under Star Cinema.”

In fairness, mabilis na kumalat sa social media ang balita kaya ang tanong ng fans ni Jen: lilipat na ba sa ABS-CBN ang dalaga? Sagot naman ni Mico, “This is only for a film project.”

Ang nasabing pelikula ay ididirek ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina at nakatakdang ipalabas ngayong summer.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending