Amy Austria mas pinili sina Daniel at Kathryn kesa sa malaking TF sa GMA | Bandera

Amy Austria mas pinili sina Daniel at Kathryn kesa sa malaking TF sa GMA

Reggee Bonoan |February 08,2016
facebook
share this

Amy Austria mas pinili sina Daniel at Kathryn kesa sa malaking TF sa GMA

Reggee Bonoan - February 08, 2016 - 02:00 AM

amy austria

HINDI nahihiyang aminin ng premyadong aktres na si Amy Austria na tagahanga siya ng tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ito ang dahilan kung bakit mas pinili niya ang Pangako Sa Yo ng ABS-CBN kesa sa offer na teleserye ng GMA 7 na malaki rin ang talent fee.

Ayon kay Amy, okay lang kahit support lang siya ng KathNiel loveteam bilang adoptive mother ni Kathryn (Yna Macaspac) sa kuwento. Nang tanungin si Amy tungkol dito ay agad naman siyang umamin, “Yes, oo, huwag na nating banggitin kasi sa kabila ‘yun.”

Ano nga bang mayroon sina DJ at Kath para hangaan niya nang husto? “Sa totoo lang talaga, gusto ko silang makasamang dalawa. Fan nila akong dalawa. At nagagalingan ako sa kanila at gusto ko talaga silang makatrabaho,” tumatawang sabi ng aktres.

Halos lahat daw ng projects ng KathNiel ay napanood ni Amy, “‘Yung Got To Believe, Princess and I, ‘yung movie na ‘She’s Dating The Gangster’, ganu’n, kasi kinikilig ako sa kanila, kahit nga sa taping, kinikilig ako sa kanila, eh kaya sabi ko nga (kapag naglalambingan ang KathNiel), uwi na ako.

Ha-hahaha!  “Kinikilig ako sa kanila kapag behind the scenes, ganyan oh, magkahawak kamay sila (sabay turo sa Teen King & Queen) at saka makikita mo sa mga mata nila na love nila ang isa’t isa kaya naiinggit ako,” dagdag pa ng veteran actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending